Binuweltahan ni showbiz insider Ogie Diaz ang mga tumitira umano sa kaniya matapos niyang iispluk ang ilang tsika tungkol kay Kapamilya actress Bela Padilla.
Matatandaang sa isang episode ng “Showbiz Updates” kamailan, sinabi ni Ogie na uma-Ate Chona umano si Bela sa set ng ABS-CBN action-drama series na “Blood vs Duty.”
Maki-Balita: Bela Padilla, iniintrigang uma-Ate Chona sa set
Tinawag pa umano nito ang “Blood vs. Duty” co-star na si Baron Geisler bilang retarded. Kaya matapos ito ay nakatanggap umano si Ogie ng kaliwa’t kanang batikos dahil sa mga tsinika niya hinggil kay Bela.
Maki-Balita: Bela Padilla, tinawag na retarded si Baron Geisler?
Ngunit ayon kay Ogie, hindi raw siya nag-iimbento.
““Kaya nga sabi ko namin dito kung mayroong gustong sabihin si Bela, bukas naman ang ‘Ogie Diaz Showbiz Updates.’ Or puwede naming pick-up-in kung siya man ay magpo-post,” saad ni Ogie sa kaniyang latest episode ng showbiz-oriented vlog noong Mayo 30.
Dagdag pa niya, “Do’n po sa mga nagko-comment dito sa baba ng aming YouTube channel e normal na lang ‘yan sa amin na tinitira kami.”
Ayon kay Ogie, hindi lang umano siya basta pumupuna lang ng artista. Nagbibigay din siya ng aral sa iba pang artista para magkaroon ng ideya ang mga ito na hindi sila maaaring umattitude dahil makakarating sa kaniya.
Samantala, wala pa namang reaksiyon o pahayag si Bela kaugnay sa mga pahayag na ito ni Ogie laban sa kaniya.