Usap-usapan ang umano’y kagaspangang ipinakita ni Kapamilya actress Bela Padilla sa set ng ABS-CBN action-drama series na “Blood vs Duty.”
Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Biyernes, Mayo 22, tinalakay ni showbiz insider Ogie Diaz ang cryptic post ni Bela kung saan sinabi nito na "When you give it your all pero 'di man lang pala siya day ender.”
"Ito 'yong sa 'Blood vs. Duty' na tinutukoy ni Bela,” lahad ni Ogie. “Kasi feeling niya, sobrang husay siya sa eksenang 'yon. Kung bakit naman inaabangan 'yan na maging day-ender ito, e hindi naman pala nangyari 'yong kaniyang inaasahan. Samantalang ginawa na naman niya ang lahat.”
Pero sabi ni Ogie sa source niya, "Kailan kumwestiyon ang mga artista kung sino dapat ang day ender. Kailan pa naging relevant sa kanila 'yan? Ako, naka-ilang teleserye na 'ko. Parang sa set, hindi naman nagiging isyu 'yan.”
Ayon sa showbiz insider, mas isyu raw kung todo-bigay ang artista sa pag-arte tapos hindi naman pala ipapalabas sa serye.
“Hindi ba puwedeng mangyari sa ibang pagkakataon ikaw ‘yong day-ender kahit hindi mo inaasahan? Saka anong pakialam ni Bela sa editing? Ano bang feeling niya na pinag-iinitan siya?” dugtong pa ni Ogie.
Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag o reaksiyon si Bela sa parunggit na ito ni Ogie laban sa kaniya.