Binigyan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ng dalawa umanong "option" si Sen. Jinggoy Estrada hinggil sa kinahaharap niyang plunder case.
Sa pahayag ni Remulla nitong Biyernes, Mayo 29, 2026, iginiit ni Remulla na maaaring sumuko na lamang si Estrada o hintaying tuluyan siyang maaresto. Ito ay sa kabila umano ng kakailanganing "knee replacement surgery" ng senador.
"Surrender or arrest. He mentioned that he needed knee replacement surgery. I replied that it's up to the Sandiganbayan’s appreciation. Our job is to process his arrest and submit him to the Sandiganbayan," ni Remulla.
Matatandaang noong Huwebes, Mayo 28 nang tuluyang sampahan ng Office of the Ombudsman si Estrada ng graft at plunder case kaugnay ng kinasasangkutan umano niyang flood control scandal.
Ayon sa Ombudsman, kumubra si Estrada ng tinatayang ₱573 milyong kickback mula sa nasabing maanomalyang proyekto.
"Our evaluations shows that substantial public funds were deliberately followed into designated infrastructure projects in exchange for pre-determined commission fees or kickbacks. Case records point to an accumulated sum of elicit payout amounting to an aggregate sum of over ₱573 million which was systematically delivered to the principal respondent Sen. Jinggoy Estrada," ani assistant Ombudsman Mico Clavano noong Huwebes.
KAUGNAY NA BALITA: Ombudsman, 'no bail' para kay Sen. Estrada dahil sa umano'y ₱573M kickback sa flood control
Ito na ang ikatlong beses na naharap sa plunder case si Estrada mataps ang kauna-unahang kasong plunder na isinampa sa kaniya noong 2001 kasama ang kaniyang amang si dating Pangulong Joseph Estrada dahil sa isyu ng “jueteng.”
Habang noong 2014 nang siya ay makulong dahil pa rin sa kasong plunder sa isyu naman ng pork barrel scam.
Samantala, nanindigan namang si Estrada na gagawin daw ng kaniyang kampo ang lahat ng legal na pamamaraan upang harapin ang harapin ang ikatlong plunder case niya.