May 30, 2026

Home BALITA

Subpoena sa misis ni Sen. Bato, minamatahan ng NBI!

Subpoena sa misis ni Sen. Bato, minamatahan ng NBI!
Photo courtesy: Bato dela Rosa (FB)

Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na ikinokonsidera nilang silbihan ng subpoena ang misis ni Sen. Ronald "Bato" dela Rosa na si Nancy Dela Rosa.

Sa panayam ng media kay NBI Director Melvin Matibag nitong Biyernes, Mayo 29, 2026, iginiit niyang lahat umano ng mga nakasama ni Sen. Bato bago siya tuluyang tumakas sa Senado, ang padadalhan nila ng subpoena.

"Yung mga huling nakasama niya, we will issue a subpoena. Of course, we're contemplating on issuing a subpoena to his wife also," saad ni Matibag.

Binaggit din ni Matibag ang naging pag-amin noon ni Nancy hinggil sa pananamantala ni Sen. Bato na tumakas sa Senado matapos ang palitan ng putok ng baril sa loob ng nasabing institusyon noong Mayo 13.

"Kasi may statement yung wife sa online news na what happened on May 13, yun yung ginamit na opportunity ni Senator Bato to escape the arrest.

'Di kami matitinag!' Gabriela Women's Party, sinagot indirect contempt case ni Topacio vs. Elago

Matatandaang minsan nang kinumpirma ni Nancy ang naging desisyon ng kaniyang asawa na tumakas sa Senado matapos ang nangyaring gulo sa akmang paghuli sa kaniya noon ng NBI.

"It is for this reason, I am sure that Ronald made his ‘escape.’ He told me (na) habang tumatagal kasi siya dyan sa loob (Senate building) ay mas nadadamay pa kayo," ani Nancy sa isang text message noong Mayo 14.

Depensa pa ng may bahay ni Bato, wala raw sa plano ang pagtakas ng senador ngunit sinamantala na lang daw niya ito habang nagkakapalitan ng putok sa Senado.

"Wala sa plano but knowing him, I am sure he took the opportunity nu’ng nagkaguluhan at nagkaputukan na," saad pa ng nasabing liham.

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Bato, sinamantala gulo sa Senado para tumakas—Misis

Si Dela Rosa ay may kasalukuyang arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) bunsod ng kaniyang pagkakaugnay bilang hepe noong ng pulisya sa madugong kampanya kontra droga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.