Hindi napigilang ikumpara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang kasalukuyang Senado sa dati nitong estado noong sila ay naninilbihan pa bilang mga mambabatas.
Kasunod ito ng mga isyung pumutok na may kaugnayan sa mataas na kapulungan, partikular na ang nangyaring putukan sa Senate premises noong gabi ng Miyerkules, Mayo 13.
Sa pakikipanayam ni PBBM sa media—na sa kasalukuyan ay nasa bansang Japan para sa kaniyang state visit—nitong Biyernes, Mayo 29, idiniin niyang hindi raw sila ganoon dati, noong sila ay mga senador pa.
“I look at my other fellow [ex-]senators… madalas kaming nagtitinginan ni [Executive Secretary] ES Ralph [Recto]…ganito ba tayo…ganiyan ba tayo noong senador tayo? Mayroon ba tayong ganiyan na ginagawa? Hindi tayo ganiyan!” saad ni PBBM.
Aniya pa, “Paano nangyari? ‘Yong senado hindi na kagaya noong panahon natin, dahil nagpepersonalan na e. Naging personal…ambabaw na ng usapan.”
Ani PBBM, hindi niya nauunawaan at naisip na magiging ganito ang lagay ng Senado sa kasalukuyan.
“Narating pa tayo sa putukan, tapos fake pala ‘yong putukan, tapos hindi ko maintindihan—walang nangyayaring kagaya niyan noong panahon ko Senado,” ani PBBM.
“I never imagined that the Senate would descend into this kind of what’s happening right now,” diin pa niya.
Sa parehong pahayag, isiniwalat niya ring siya ay nababahala kaugnay sa mga pangyayaring ito.
“Very [concerning]. I was with horror that this is the Senate… the Senate has become this,” saad ni PBBM.
MAKI-BALITA: 'Paano nangyari?' PBBM nababahala sa nagaganap sa Senado