May 31, 2026

Home BALITA National

'Paano nangyari?' PBBM nababahala sa nagaganap sa Senado

'Paano nangyari?' PBBM nababahala sa nagaganap sa Senado
Photo courtesy: Bongbong Marcos/FB


Tahasang ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na siya ay “very concerned” kaugnay sa mga nangyayari ngayon sa mataas na kapulungan.

Kaugnay ito sa sunod-sunod na isyung kinaharap ng Senado kabilang na ang nangyaring putukan sa loob ng premises nito noong Miyerkules ng gabi, Mayo 13.

Sa pakikipanayam ni PBBM sa media nitong Biyernes, Mayo 29, habang siya ay nasa Japan para sa kaniyang state visit, mariin niya ring iginiit na sila ay hindi naman ganiyan noong panahong sila ay mambabatas din.

“Very [concerning]. I was with horror that this is the Senate… the Senate has become this,” saad ni PBBM.

Aniya, “I look at my other fellow [ex-]senators… madalas kaming nagtitinginan ni [Executive Secretary] ES Ralph [Recto]… ganito ba tayo…ganiyan ba tayo noong senador tayo? Mayroon ba tayong ganiyan na ginagawa? Hindi tayo ganiyan!”

“Paano nangyari? ‘Yong senado hindi na kagaya noong panahon natin, dahil nagpepersonalan na e. Naging personal…ambabaw na ng usapan,” giit pa niya.

Anang Pangulo, hindi man lang niya na-imagine na aabot sa ganitong punto ang Senado.

“Dahil ang kuwento ko nga, ‘yon na nga kuwento..mayroong mga senador na ‘pag ka mayroon kaming pinag-uusapan sa trabaho, hindi kami nag-aagree talaga—at saka tatayo, mag-iinterpellate, at saka ‘yong interpellation talagang mabigat—well-studied and no-holds barred interpellation,” anang Pangulo.

Aniya pa, “Narating pa tayo sa putukan, tapos fake pala ‘yong putukan, tapos hindi ko maintindihan—walang nangyayaring kagaya niyan noong panahon ko Senado.”

National

Legal counsel ng Gawad Kalinga founder, nagsalita tungkol sa pagkaaresto ng kliyente

“I never imagined that the Senate would descend into this kind of what’s happening right now,” diin pa ni PBBM.