May 30, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Dating PBA reporter, binira si Apple David sa pagjojowa ng bagets

Dating PBA reporter, binira si Apple David sa pagjojowa ng bagets
Photo Courtesy: Ira Pablo, Apple David (FB)

Hindi pinalampas ng dating Philippine Basketball Association (PBA) reporter na si Ira Pablo ang kontrobersiyang kinasasangkutan ng kabaro niyang si Apple David na jumowa umano ng bagets.

Matatandaang nauugnay ngayon si Apple sa 18-anyos na Letran Knights basketball player na si Chad Gammad. Sa kasalukuyan, isang buwan na silang nagde-date.

Sa isang social media post ni Ira kamakailan, sinabi niyang batid umano ng lahat kung paano umasta si Apple sa mga manlalaro.

Aniya, “EVERYBODY knows how Apple David behaves around players. Wag na tayo maglokohan dito. Panahon palang ng daddy ko, she's been around."

“I'm so surprised ngayon lang to lumabas after all these years and ironically, because she exposed herself AGAIN,” dugtong pa ni Ira.

Tsika at Intriga

Tirada ni Christian Esguerra: 'Pag bumabagyo ba ng kamangmangan sa Senado, force majeure din?'

Bukod dito, tinawag pa niya si Apple na produkto ng umano'y bulok na sistema na pinararangalan ang mga maling gawi.

“THIS WOMAN is the sports journalist networks choose to put on television to represent the league. She's a product of a broken system that keeps rewarding the wrong behavior,” saad ni Ira.

Dagdag pa niya, “Here's your most valued and longest-running PBA courtside reporter. Professionalism left the group chat.”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na tugon si Apple sa pahayag na ito ni Ira laban sa kaniya. Ngunit nauna na siyang humingi ng sorry sa mga nasaktan sa relasyon nila ni Chad matapos pumutok ang isyu. Umapela rin siya ng respeto sa publiko.

Maki-Balita: Apple David, nag-sorry sa mga na-offend sa relasyon nila ng basketbolistang bagets