May 30, 2026

Home BALITA Internasyonal

4 astronauts ng Artemis III, nakatakdang ianunsyo sa Hunyo 9

4 astronauts ng Artemis III, nakatakdang ianunsyo sa Hunyo 9
Photo courtesy: NASA/X


Ibinahagi ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) na sa darating na Hunyo 9, iaanunsyo nila sa publiko ang crew ng Artemis III mission.

Kasunod ito ng makasaysayang Artemis II mission ng NASA noong Abril, kung saan matagumpay nilang narating ang “far side” ng buwan—sa pangunguna ni commander Reid Wiseman kasama sina Victor Glover, Christina Koch, at Jeremy Hansen.

MAKI-BALITA: KILALANIN: Ang Artemis II crew na gumawa ng kasaysayan sa space exploration-Balita

Sa isang X post na isinapubliko ng NASA kamakailan, apat na astronaut ang nakatakdang magsagawa ng naturang misyon—na layong i-orbit ang Earth.

“On Tuesday, June 9, we’ll announce the four astronauts who will orbit Earth aboard the @NASAArtemis III mission!” saad ng NASA sa kanilang post.

Batay pa sa impormasyong inilatag ng space agency, ang Artemis III ay magbibigay-daan para sa mga susunod na surface missions na isasagawa nila hinggil sa deep space navigation at exploration.