Ibinahagi ng aktres na si Cristine Reyes kung kailan nakatakda ang pag-iisang-dibdib nila ng fiancé niyang si Gio Tingson.
Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Martes, Mayo 26, inusisa si Cristine kung may petsa na ba ang kasal nila ni Gio matapos nitong mag-propose.
"Baka next year po," sagot ni Cristine. "First quarter, if not this year."
Ayon sa aktres, elementary pa raw sila ni Gio nang una silang magkakilala.
“I got pulled sa marriage booth. Hindi siya 'yong groom, siya 'yong pari. Nahihiya ako, Tito Boy,” lahad niya.
Dagdag pa ni Cristine, “After nung kasal-kasalan, umalis ako agad kasi nahihiya ako e. E 'yon 'yong first encounter ko with boys. All-girls school po ako, e."
Hiningi pa raw ni Gio ang number niya. Binigyan pa raw ng barkada ni Cristine ang lalaki ng larawan niya na itinago nila sa loob ng higit isang dekada.
Bagama’t patuloy ang kanilang ugnayan paglipas ng panahon, lagi naman daw may tensyon sa pagitan nilang dalawa.
Ngunit nang maging single sila pareho, nagsimula silang mag-date ng seryoso noong 2025. Hanggang sa tanungin ni Gio si Cristine matapos ang 26 na taon.
"Lahat ng stages ng buhay namin, nagtatagpo kami, tapos until the very end, kami pa rin pala hanggang sa huli," dugtong pa ni Cristine.
Matatandaang kamakailan lang ay ibinahagi ni Cristine ang mga kuhang larawan ng wedding proposal ni Gio sa kaniya.
Maki-Balita: Endgame unlocked! Cristine Reyes, Gio Tingson engaged na