Umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa netizens si Kapamilya star Maris Racal matapos mag-viral ang video ng kaniyang pamimigay ng bigas at pagkain sa mga jeepney driver bilang pasasalamat sa kaniyang mahigit isang dekada sa industriya ng showbiz.
Sa kumakalat na video sa social media, makikitang personal na nag-abot si Maris ng tig-iisang kilo ng bigas at isang buong manok sa ilang tsuper ng jeepney.
Ayon sa aktres, bahagi ito ng kaniyang pagdiriwang at pasasalamat dahil 12 taon na siya sa showbiz industry.
Gayunman, hindi lahat ng netizens ay natuwa sa nasabing outreach activity. Marami ang nagsabing tila kulang umano ang ipinamigay ng aktres kung ikukumpara sa tagal na niya sa showbiz at sa kinikita nito bilang celebrity.
"Grabe 15yrs milyon milyon ang kinikita tas 1kg bigas at isang buong manok ang pinamigay amazing ah," saad ng basher.
Photo courtesy: Screenshot from Maris Racal (FB)
May ilan ding nagsabing mas mahalaga pa rin ang intensiyon ni Maris na makatulong at magbahagi ng biyaya sa mga tsuper, lalo na sa panahon ng mataas na presyo ng bilihin. Para sa ilan, hindi umano dapat maliitin ang anumang tulong na kusang ibinibigay.
Samantala, may mga netizen namang naniniwalang natural lamang na magkaroon ng iba’t ibang opinyon ang publiko lalo na kapag ibinabahagi online ang mga charitable activities ng mga kilalang personalidad.
"Obligasyon nya? Politiko B sya na may budget para sa ganyan?? Hirap ng tutulong kana may masasabi pa."
"kaloka ang midset mo teh. Baka mayaman ka, ikaw na lang kaya magbigay ng 1sako ng bigas kada jeepney driver. Hindi obligasyon ni Maris ang mamigay pero namahagi pa din siya ng blessings."
"madam hnd nya obligasyon yon hnd sya politician pero naka aalala syang tumulong kahit knti. Masaya pakiramdam ng tumutulong lalo na masaya at na appreciate nla kahit maliit na bagay lng . AMAZING talaga kaya maging masaya kna lng dn para sa kapwa."
"Ikaw ang best example ng mga taong ungrateful."
"mahiya ka nga s katwan mo.. mabuti nga naisipan pang magshare ng blessings ang tao.wlang obligasyon ang mga artista s mga katulad nyong hnd marunong magpasalamat.. tonto!"
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag si Maris hinggil sa mga batikos at reaksiyon ng publiko tungkol sa kaniyang viral na pamimigay.
Maki-Balita: Maris Racal, may pa-libreng bigas sa kaniyang 12th anniversary sa showbiz