Kinaaliwan ng mga netizen ang palitan ng mensahe nina Kapuso comedy star Pokwang at Kapatid news anchor at radio personality DJ Chacha dahil sa statement shirt ng huli.
Nag-post kasi si DJ Chacha ng mirror selfie niya kung saan mababasa sa statement shirt ang "Nasaan na si Zaldy n'yo?!!"
Tumutukoy si "Zaldy" sa kontrobersiyal na dating mambabatas na si Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, na patuloy pa ring pinaghahanap ng mga awtoridad, bilang susi sa mga isyu ng maanolmalyang flood control projects st korapsyon sa insertions sa national budget ng bansa.
Kamakailan lamang, napabalitang nadakip na raw si Co sa Prague, Czech Republic, sa paliparan ng bansa dahil sa paggamit ng mga hindi valid na dokumento, subalit muli raw itong nakaeskapo.
Inakala ng lahat na finally, maiuuwi na sa Pilipinas ang solon para sagutin ang mga isyung kinasasangkutan niya.
Maki-Balita: DOJ, inaming 'di ‘technically’ inaresto ng Czech si Zaldy Co
Maki-Balita: 'We will bring Zaldy Co home in accordance with the law!'—PBBM
Anyway, may banat naman si DJ Chacha kaugnay naman sa isyu ng "pangungumusta" na nag-ugat sa naging emosyunal na reaksiyon ni Sen. Pia Cayetano, sa naging privilege speech naman ni Sen. Risa Hontiveros, patungkol naman sa naganap na kaguluhan sa Senado noong Mayo 13, kung saan, tuluyang nakaalis ng Senate premises ang pinaghahanap ng batas na si Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa, dahil sa arrest warrant ng International Criminal Court (ICC).
"Kumusta sa mga hindi na kinukumusta at parang nakalimutan na yata?" mababasa sa caption ng post.
Isa naman sa nag-react dito si Pokwang at nag-request na mag-barter sila kapalit ng shirt ni DJ Chacha, at ang ibibigay niya, ang produktong ibinebenta niya.
"nak @_djchacha bet ko yung t-shirt!!!!!!! beke nemen palitan ko mg Mamang Pokwang’s gourmet!!" saad ni Pokie.
Reply naman ng news anchor, "kahit walang kapalit, pm kita padala ko sayo mamang."
Samantala, nag-iwan naman ng mensahe si DJ Chacha kung paano makakapag-avail ng nabanggit na statement shirt.
"to those asking here’s where I ordered my shirt: 09391687171," aniya.