May 23, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Barbie, flinex bonggang pa-flowers sa kaniya ni Richard; proposal na raw ba?

Barbie, flinex bonggang pa-flowers sa kaniya ni Richard; proposal na raw ba?
Photo courtesy: Screenshots from Barbie Imperial (IG)

Usap-usapan ngayon sa social media ang bonggang sorpresa ni "Blood vs Duty" lead actor si Richard Gutierrez para sa kaniyang girlfriend na si Barbie Imperial matapos i-flex ng aktres ang napakaraming floral arrangements with candles na nasa isang kuwarto, na handog sa kaniya ng boyfriend.

Sa Instagram story ni Barbie, makikita ang isang silid na puno ng pink at pastel-colored flowers, kandila, at lobo, habang may simpleng caption itong “Thank you.”

Makikita rin sa mga larawan ang likod ni Chard at maging si Barbie na nakaupo pa sa sahig.

Photo courtesy: Screenshots from Barbie Imperial (IG)

Dahil dito, agad na napa-isip ang netizens kung proposal na nga ba ang susunod na kabanata sa relasyon ng dalawa.

Relasyon at Hiwalayan

Rico Blanco, binigay lahat kay Maris Racal?

Marami ang kinilig at nagsabing tila “engagement setup” umano ang engrandeng surpresa ni Richard, lalo na’t kitang-kita ang effort at pagiging romantiko nito.

Matatandaang noong Enero 2026 ay kinumpirma nina Richard at Barbie ang kanilang relasyon matapos ang matagal na espekulasyon. Nilinaw ni Barbie na hindi nila itinatago ang kanilang relasyon kundi pinili lamang nilang maging pribado ito.

Sa isang panayam noon, sinabi rin ni Richard na mas komportable silang dalawa na ilayo muna sa publiko ang ilang detalye ng kanilang pagsasama upang mapanatili ang katahimikan at maayos na pundasyon ng kanilang relasyon.

Kaya naman matapos ang latest sweet gesture na ito ng aktor, marami ngayon ang nagtatanong: “Proposal na nga ba ang kasunod?”

"Proposal na ata"

"hindi pa naman legally annuled or divorced pano papakasal?! asa si Barbie maghintay pa muna."

"Hay naku ghorl huwag mo na patagalin yan at sigurado ako nagsasayang ka lang ng oras"

"Ayyyy graveh siya.haba ng eyelashes.i find this romantic."

"Perhaps its my OCD but everytime I see a room filled with balloons, flowers, etc., I instantly think mahaba habang pagliligpit ito. Mabuti sana if nasa Pinas at merong kasambahay but I am living abroad. Kahit may roomba, vacuum and other cleaning appliances, effort pa rin. The gesture for her is nice though. At least may kasambahay siya para magligpit."

"Enjoy while it last."

Bagama’t wala pang kumpirmasyon mula kina Richard at Barbie, hindi maikakailang mas lalong kinikilig ang kanilang mga tagahanga sa sweetness ng celebrity couple.

Maki-Balita: Bida na sa arena, bida pa sa puso! Barbie Imperial, full support sa jowang si Richard Gutierrez

Maki-Balita: Richard Gutierrez, Barbie Imperial kumpirmadong nasa dating stage na