Tila may reaksiyon ang GMA Kapuso artist na si Inah De Belen sa isang netizen na nagsabing tiyak daw na susugurin siya ng "paid trolls" ng isang nakaaway niya sa social media kamakailan, na bagama't walang binanggit na pangalan, pinaniniwalaan ng mga netizen na pumapatungkol sa negosyante at social media personality na si Rosmar Tan-Pamulaklakin.
Nag-react kasi si Rosmar sa naging hirit ni Inah na hindi niya kilala ang una, matapos siyang ikumpara sa kaniya.
Ibinahagi kasi ni Inah sa kaniyang Instagram post ang isang larawan nila ng partner na si Jake Vargas, matapos silang maimbitahan sa Flores De Mayo sa Barangay Maysantol, Bulacan kung saan, nag-iwan naman ng komento ang isang netizen, na inakala raw niyang si Rosmar nga si Inah.
"Sorry po ha,, nagtataka ako bkt nanjan si jake vargaz,, akala ko talaga si rosmar kung dko nbasa pangalan nag 2 tingin pa ako ang mag jowa pala talaga,, ang ganda mo pati ng damit mo," mababasa sa komento ng netizen.
Mababasa naman ang komento rito ni Inah, "guys sino ba si rosmar hindi ko siya kilala."
Agad namang napa-search ang aktres sa internet world kung sino ang tinutukoy na si Rosmar, na hindi raw niya kilala.
"Naresearch ko na siya plssss don't associate me with her ew," dagdag pa niya.
Sa isa pang komento ng netizen na magkamukha sila ni Rosmar, sinabi ni Inah na huwag nang banggitin ang pangalan ng social media personality, dahil nabubuwisit siya.
Nakarating naman kay Rosmar ang tungkol sa mga nasabi ni Inah, at sa pamamagitan ng social media posts, pinalagan niya si Inah at binuweltuhan siya.
Aniya, "Kung maka 'ew' ka naman sakin at di nya daw ako kilala. Nahiya naman ako sayo filipina actress nakalagay pero di din naman kita kilala. Mas maraming beses pa ata ako lumabas sa tv kesa sayo ante. Kung maka ew wagas inaano ka?"
Sa isa pang post, "Kung maka ew ka naman sakin. Mas mukha ka pa ngang mom of 3 sakin. At kung makasabi ka ng di mo ako kilala? Mas di kita kilala san ka lumabas? Hiyang hiya naman sayo ang 30M total foll0wers ko. Kala ko di mo ko kilala? Pero sasabihan mo ako ng ew at nakaka bwisit? Okay lang sana na di mo ako kilala pero anong ginawa ko sayo? Para sabihan mo ako ng EW? Starlet na di pa nga sikat attitude na agad. Pwe!"
Maki-Balita: Rosmar, binanatan si Inah De Belen: 'Starlet na di pa nga sikat attitude na agad. Pwe!!'
Samantala, ipinaliwanag naman ng ilang netizens na baka ang "ew" na ginamit ni Inah ay nangangahulugang "either way."
Sa profile picture naman ni Inah, isang netizen ang nag-iwan ng komento at nagsabing sigurado raw na aatakihin ang una ng "paid trolls" ng hindi pinangalanang personalidad.
"Hi Ms Inah. You are so pretty! at for sure susugod dito ung mga paid trolls nya (gawain nya magpatroll account ng mga nakakaaway nya) kaya wag ka po papaapekto loveyou pretty!
PS: hindi mo sya kamukha. jusmio napakaganda mo at NAPAKALAYO," saad ng netizen.
Sagot naman dito ni Inah, " not surprised hahaha."
Photo courtesy: Screenshot from Inah De Belen/FB
Ilang netizens naman ang nagsabing tila totoo na raw ang pagkakaroon ng pag-atake kay Inah dahil may angry reactions na ang ilan sa mga post niya.
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Rosmar tungkol sa akusasyon ng netizen na may "paid trolls" siya.