Kapuwa present ang rumored couple na sina Jake Cuenca at Rabiya Mateo sa coronation night ng Miss Universe Philippines 2026 noong Sabado ng gabi, Mayo 2.
Silang dalawa ang inatasang magpakilala sa Misamis Occidental bilang provincial partner ng naturang pageant.
Pero bago ‘yon, humirit muna si Jake kay Rabiya. Sabi niya, “Every time you talk about the Philppines, you make it sound even more beautiful.”
“Well, Jake,I learned from the best company,” sagot naman ng beauty queen-actress.
Matatandaang unang lumutang ang usap-usapan tungkol sa namumuong relasyon nina Jake at Rabiya nang maispatan silang magkasama sa Bonifacio Global City (BGC) noong Marso.
Maki-Balita: Jake Cuenca, Rabiya Mateo naispatang magkasama?
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, hindi pa rin naman kinukumpirma ng dalawa ang real-score sa pagitan nila.
Pero sa isang Instagram post ni Rabiya noong Marso 29, kinakiligan ng netizens ang tila harutan nina Jake sa comment section.
Maki-Balita: Dinaan sa elepante: Jake Cuenca, Rabiya Mateo 'nagharutan' sa socmed!