May 22, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Dinaan sa elepante: Jake Cuenca, Rabiya Mateo 'nagharutan' sa socmed!

Dinaan sa elepante: Jake Cuenca, Rabiya Mateo 'nagharutan' sa socmed!

Kinakiligan ng mga netizen ang tila "lambingan" ng napababalitang nagkakamabutihang sina Kapamilya actor Jake Cuenca at Miss Universe Philippines 2020 at Kapuso actress Rabiya Mateo, matapos magkomento ang una sa Instagram post ng huli, habang nasa Chiang Rai, Thailand siya.

Ibinida ni Rabiya sa kaniyang Instagram post noong Linggo, Marso 29, ang ilang mga kuhang larawan habang katabi ang elepante, at pag-awra niya sa dinaluhang kasal.

"Wedding szn. Honored to witness a forever kind of love. Wearing @theruffyitaas @ruffyouright," mababasa sa caption ni Rabiya.

Sa comment section, mababasa naman ang komento at reaksiyon dito ni Jake.

"Breathtaking. Definitely not looking at the elephant," aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Endgame unlocked! Cristine Reyes, Gio Tingson engaged na

Sagot naman ni Rabiya, "Keep looking."

Photo courtesy: Screenshot from Rabiya Mateo/IG

Kinakiligan naman ng mga netizen ang palitan nila ng mensahe.

Matatandaang kamakailan lamang, naispatan ang dalawang magkasama sa isang restaurant sa Bonifacio Global City (BGC).

Matatandaang kapuwa hiwalay na ang dalawa sa mga dati nilang partner. Kinumpirma ni Jake ang hiwalayan nila ni Kapamilya actress-model Chie Filomeno noong Oktubre 2025, matapos itong makipag-date sa negosyanteng si Matthew Lhuillier, na mula sa isang kilalang mayamang angkan sa Cebu.

Samantala, kamakailan lang ay kinumpirma naman ni Kapuso actor Jeric Gonzales ang matagal nang suspetsa tungkol sa status ng relationship nila ni Rabiya.

Sa kabila nito, nananatiling tikom ang bibig nina Jake at Rabiya sa tunay na estado ng kanilang relasyon.