May 21, 2026

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

It's Showtime sa tsikang hanggang Sunday na sila: 'Pahinga po kami!'

It's Showtime sa tsikang hanggang Sunday na sila: 'Pahinga po kami!'
Photo courtesy: It's Showtime (FB)

Agad-agad na sinagot ng Kapamilya noontime show na "It's Showtime" ang espekulasyong baka hanggang Linggo na rin sila, sa halip na mula Lunes hanggang Sabado, sa mismong official Facebook page nila.

Kumakalat kasi ang hinalang baka ma-eextend hanggang Linggo ang noontime show dahil sa paglipat ng timeslot ng "ASAP" na tatawagin na ring "ASAP XP."

Pormal nang inanunsyo ng ABS-CBN na simula Mayo 17, mapapanood na sa 5:30 ng hapon sa Primetime ang longest-running musical noontime show; na malayo sa nakasanayang 12:00 ng tanghali.

Maki-Balita: Anong isasalpak sa 12:00 noon? ASAP XP nilipat ng timeslot, nasa 5:30 PM na!

Iniisip ng mga netizen kung anong programa ang isasalpak sa 12:00 noon, at makakatapat ng "All-Out Sundays (AOS)" ng GMA Network.

Musika at Kanta

Hollywood Pop Star Katy Perry, napansin ang 'Thinking of You' cover ni Jayda Avanzado

Bagay na nilinaw na agad ng Showtime sa pamamagitan ng kanilang profile at cover photo sa Facebook page.

Mababasang mula Mondays to Saturdays ay 12:00 noon pa rin sila, at tuwing Sundays naman, "Pahinga po kami."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Laro kayo showtime hahaha sino ba may sabing may showtime din ng sunday haha."

"May nagsabi kasing page na baka hanggang Sunday na sila since malilipat ng timeslot ang ASAPOFFICIAL haha."

"Hahaha Dami kasi nagsasabe Monday to Sunday n daw kasi kayo eh hahahaha."

"Sana ang ipalit sa asap is teen serye nalang, since madami silang bagong mga artist, sana mabigyan sila ng exposure."

"ahh hahaha marami kasi naintriga ng new timeslot ng ASAP akala nila its It's Showtime ang papalit haha."

Samantala, marami naman ang nag-suggest na baka puwedeng ASAP pa rin ang ilagay sa tanghali ng Linggo, kahit daw taped o mga lumang episodes na lang, at ang ASAP XP naman ang ilagay sa 5:30 PM.

Wala pang anunsyo ang ABS-CBN kung anong programa ang ilalagay nila sa tanghalian.