May 04, 2026

Home SHOWBIZ

Angel Galang, nag-sorry kay Marina Summers!

Angel Galang, nag-sorry kay Marina Summers!
Photo Courtesy: Angel Galang, Marina Summers (FB)

Naglabas na ng pahayag si Angel Galang matapos niyang okrayin ang hosting style ng kapuwa niya drag artist na si Marina Summers sa katatapos lang na coronation night ng Miss Universe Philippines 2026.

Sa buradong Facebook post ni Angel noon ding Sabado, sinabi niyang binagot umano ni Marina ang naturang pageant.

Ani Angel, “Binagot mo ang #MUPH. Totoong buhay lang.”

Kaya sa kaniyang latest Facebeook post, humingi siya ng paumanhin sa nabitawan niyang mga salita laban kay Marina.

“Unang una sa lahat sorry mga alaga, award sena !! HARD loka!! Pero sorry I’m really really sorry hard especially to my sister , Marina,” saad niya.

Tsika at Intriga

Rosmar, binanatan si Inah De Belen: 'Starlet na di pa nga sikat attitude na agad. Pwe!!'

Dagdag pa ni Angel, Na over express ako at I know na MALI TALAGA AKO. I want to take accountability and responsibility dito mga nak.”

Bukod dito, nagpasalamat din siya sa mga taong sumita sa kaniya para umano mas maging mabuting tao.

“Thank you din sa mga queens na nagsabi sakin na mali ang nagawa ko. Again, masaya ako para sa lahat ng achievements ng mga sisters ko TOTOONG BUHAY LANG !!” dugtong pa ni Angel.

Samantala, ipinagtanggol naman ni showbiz news presenter Jervi “KaladKaren” Wrightson si Marina mula sa mga pambabatikos sa hosting style nito.

Maki-Balita: KaladKaren, dinepensahan hosting style ni Marina Summers