May 22, 2026

Home BALITA National

De Lima sa pagtanggal ng excise tax: 'Pero hindi pa rin ginagawa sa diesel at gas. So, anuna?'

De Lima sa pagtanggal ng excise tax: 'Pero hindi pa rin ginagawa sa diesel at gas. So, anuna?'
courtesy: Leila De Lima, Bongbong Marcos (Facebook)

Suportado ni Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila De Lima ang pansamantalang suspensyon sa excise tax ng Liquified Petroleum Gas (LPG) at kerosene. Gayunpaman, bakit hindi pa raw ito ipinapatupad sa diesel at gasolina. 

"Sinusuportahan natin ang agarang pagsasabatas ng pagbabawas o pagtanggal ng excise tax, pero hindi pa rin ginagawa sa diesel at gas. So anuna!? Ibigay na ang kayang ibigay para makatulong!" saad ni De Lima sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes, Abril 17, kasunod ng paglagda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Executive Order No. 114.

Matatandaang nilagdaan na ni Marcos ang pansamantalang suspensyon sa excise tax ng LPG at kerosene. 

Base sa inisyung Executive Order No. 114 ni PBBM, nakaangkla raw ang suspensyon ng excise tax sa mga piling petroleum products sa Section 148 of Republic Act (RA) No. 8424, o ang “National Internal Revenue Code of 1997 (NIRC).”

Basahin: PBBM, pirmado na suspensyon ng excise tax sa LPG, kerosene

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato