May 04, 2026

Home BALITA National

Sen. Bam, ipinanukalang ibaba ang VAT sa 10%

Sen. Bam, ipinanukalang ibaba ang  VAT sa 10%
Photo courtesy: Sen. Bam Aquino (FB)

Ipinanukala ni Sen. Bam Aquino sa Senado na ibaba sa 10% ang 12% na Value Added Tax (VAT) sa presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo. 

Ayon sa isinumiteng Senate Bill no. 2407 o tatawagin bilang “VAT Reduction Act” ni Sen. Bam sa Senado nitong Huwebes, Abril 16, 2026, binigyang-diin ng senador sa inilatag niyang explanatory note ang pagpapahirap na idinudulot ng pagtaas ng mga presyo ng bilihin, langis, at iba pa sa mga Pilipino. 

Aniya pa, dulot daw ito ng mga kasalukuyang nagaganap sa buong mundo na nagiging sanhi ng pagtaas ng presyo sa mga produktong petrolyo, kuryente, pamasahe, at pagkain. 

“Rising prices continue to put pressure on Filipino families. In recent months, global developments have driven up the cost of fuel, electricity, transport, and food, making it increasingly difficult for ordinary households to make ends meet,” pagsisimula niya. 

Ani Aquino, sentro daw ng lubhang pagpapahirap na nararamdaman ngayon ng taumbayan ang VAT at ang pagdaragdag ng buwis sa mga pangunahing bilihin. 

National

Erice, kinukumbinse si Mar Roxas na tumakbo sa 2028 presidential elections

“At the center of this challenge is the Value-Added Tax (VAT), a broad-based consumption tax that applies to most goods and services,” anang senador. 

Paliwanag niya, kumakaltas daw ng malaki mula sa kita ng mga normal na taumbayan ang VAT kahit na mahalagang pinagkukunan ito ng revenue ng gobyerno. 

Dahil dito, inaasam niyang maibaba sa 10% ang VAT mula sa orihinal nitong 12%. 

“This proposed measure seeks to provide immediate and meaningful relief to consumers by reducing the VAT rate from twelve percent (12%) to ten percent (10%),” saad niya. 

Paliwanag niya, “A reduction in VAT directly lowers the cost of goods and services across the economy, from basic commodities and transportation to utilities and other essential expenses.” 

Maaari daw nitong maibsan ang bigat na nararanasan ng mga Pilipino dahil sa laki VAT at makasabay ang mamamayan sa pagtaas ng presyo ng langis at mga bilihin. 

Pagpapatuloy niya, maaari din daw suportahan ng pagbababa ng porsyento ng VAT na mas palaguin pa ang ekonomiya ng bansa. 

Giit pa niya, dapat daw na magsagawa ng kilos ang gobyerno para matulungan ang taumbayan sa panahon ng paghihirap ng mga ito. 

Kaugnay nito, matatandaang sinuspinde na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang excise tax sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) at kersone noong Lunes, Abril 13, 2026. 

“Sa ilalim ng kapangyarihan na ibinigay sa akin ng batas, tinanggal ko na ang excise tax sa LPG at sa kerosene,” ani PBBM.

Ayon sa Pangulo, maglalaro sa ₱3.36 ang mababawas sa kada kilo ng LPG na may katumbas na ₱37 ang halaga ng mababawas kada tangke.

KAUGNAY NA BALITA: Excise tax sa LPG at kerosene, sinuspinde na ni PBBM!

KAUGNAY NA BALITA: Matapos suspindihin excise tax sa LPG, kerosene: Expected losses, tinatayang aabot sa ₱4.1 bilyon