Hindi napigilang baguhin ng maraming netizens ang ilang mga patok na liriko mula sa mga kanta ng OPM artist at rapper na si Hev Abi.
Matapos ito ng lumabas na mga ulat nitong Huwebes, Abril 16, 2026, tungkol sa pagkukumpirma ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na kasalukuyang nasa kustodiya nila si Hev Abi.
Ani Chief, Public Information Officer ng Criminal Investigation and Detection Group (PIO-CIDG) Police Major (PMAJ) Helen Dela Cruz, naaresto nila si Hev Abi noong Martes, Abril 14, 2026, matapos nila itong silbihan ng warrant for firearms.
Samantala, habang sinusulat ito, kasalukuyan umanong sumasailalim sa kaukulang proseso si Hev Avi at nakatakdang masampahan ng kaso dahil sa pagdadala ng huli ng mga hindi lisensyadong baril.
KAUGNAY NA BALITA: Rapper na si Hev Abi, natiklo ng CIDG!
Dahil dito, tila hindi nakapagpigil ang mga netizens na gamitin ang sariling mga liriko ni Hev Abi upang patutsadahan ang huli.
Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa inilabas na ulat ng Balita at Manila Bulletin sa kanilang Facebook page:
“Downtown kinaladkad ni QCPD”
“yung syota mo ginawa kong preso. Dito sa gilid kung usapang presyo. 'Di ka uubra masyado akong presko”
“Mamaya na ko uuweeee”
“Baby Hindi magiging sayo Yung para sa jail”
“Alam mo ba jail”
“Alam Mo Ba GirlAlam Mo Ba Sir”
“Ayaw na kitang pakawalan”
Wala pa namang inilalabas na pahayag, tugon, o reaksyon si Hev Abi o ang kampo nito kaugnay sa naganap na insidente.