Nagbigay ng reaksiyon ang aktor at Tarlac provincial board member na si Arron Villaflor sa taas ng presyo ng produktong petrolyo matapos niyang magpakarga ng gasolina.
Sa social media post ng aktor-public servant, ipinakita niya ang maiksing kuhang video ng pagpalo sa higit ₱9,000.
Nasabi na lang ng aktor, "Langis pa ba ‘to o ginto na?"
Matatandaang hindi lang si Arron ang celebrity na nagkomento na rin sa taas ng presyo ng petrolyo.
Maging ang Kapuso TV host-actress na si Shaira Diaz ay napakomento na rin dito.
Maki-Balita: Shaira Diaz nabulaga, ramdam na ramdam oil price hike: 'Anlala talaga, pang-grocery na to eh!'
Matatandaang nagsimula ang krisis sa presyo ng langis nang sumiklab ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Israel laban sa Iran noong Pebrero.
Lubhang nakaapekto rito ang paglimita sa mga dumadaang cargo sa "Strait of Hormuz" na dinaraanan ng mga barko sa pagbili ng mga bariles ng langis.
Maki-Balita: ALAMIN: Bakit mahalaga ang ‘Strait of Hormuz’ sa bentahan ng langis ng mga bansa?