May 22, 2026

Home BALITA National

Rep. Leviste, rumatsada sa ICI para humingi ng resulta sa imbestigasyon sa korapsyon!

Rep. Leviste, rumatsada sa ICI para humingi ng resulta sa imbestigasyon sa korapsyon!
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Inilahad sa publiko ni Batangas 1st district Rep. Leandro Leviste ang personal niyang pagpunta sa tanggapan ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) nitong Martes, Marso 31, 2026. 

Ayon sa naging pahayag ni Leviste sa kaniyang Facebook Page, sinabi niyang kasalukuyan daw siyang nasa tanggapan ng ICI nitong Martes ng hapon upang humingi ng ICI report at humiling na ilabas sa publiko ng nasabing ahensya ang kanilang resulta sa pag-iimbestiga sa korapsyon, partikular sa maaanomalyang flood control projects. 

“Nandito ako ngayon sa ICI para humingi ng kopya ng ICI report at hilinging ilabas sa publiko ang resulta ng kanilang imbestigasyon,” ani Leviste.

 

Photo courtesy: Rep. Leandro Leviste (FB)

Screenshot mula sa FB post ni Leviste. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Sa pamamagitan nito, umaasa umano si Leviste na pagbibigyan siya ng ICI sa kaniyang mga kahilingan. 

“Sana pagbigyan nila,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, kaugnay nito, matatandaang nagawang depensahan ng Palasyo ang ICI na marami raw itong naisumiteng rekomendasyon para sampahan ng kaso sa mga tanggapan ng Department of Justice (DOJ) at Office of the Ombudsman. 

Hindi raw nag-relax at nagpahinga ang ICI sa pag-iimbestiga sa flood control project anomalies at tila “overwhelmed” nga raw ang DOJ at Ombudsman sa naging resulta ng imbestigasyon ng nasabing ahensya. 

“Ang ibig po sabihin niyan, hindi po natulog, nagpahinga, hindi nag-relax ang ICI. Lahat po ng kanilang narekomenda, nakasuhan, o for further investigation, nasa kamay na po ‘yan ng DOJ at ng Ombudsman,” saad ni Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro nito ring Martes. 

“Sa totoo lamang po, mukhang overwhelmed po ang Ombudsman at ang DOJ sa dami po ng mga kasong pinaparekomendang sampahan dito patungkol sa flood control projects,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na direktang pahayag, tugon, o reaksyon ang ICI kaugnay sa naging FB post ni Leviste. 

MAKI-BALITA: Sleepless night na, ina-anxiety pa!: Leviste, walang obligasyong bayaran, pero bukal sa loob ipagamot si Castro

MAKI-BALITA: Tinapatan! Usec. Castro, humingi ng ₱500M danyos kay Rep. Leviste