Usap-usapan ng mga netizen ang "Tawag ng Tanghalan (TNT)" season 4 grand winner at ABS-CBN singer na si JM Yosures matapos niyang matapang na sabihing huwag nang bigyan ng platform ang isang nagngangalang "Alvin."
Sa Facebook post niya noong Marso 24, sinabi ni Yosures, na tumatayong hurado sa TNT sa kasalukuyang season, na huwag nang bigyan ng platform ang mga kagaya ni Alvin dahil ganito rin daw ang ugali at pananaw ng ilang mga naging senador, na hindi naman niya tinukoy kung sino-sino.
"‘Wag niyo bigyan ng platform yang Al/vin na yan. Mga ganyang ugali at pananaw ang nagiging senador e," mababasa sa post ni JM.
"Bahala kayo HAHA."
Photo courtesy: Screenshot from JM Yosures/FB
Bagama't walang direktang binanggit na pangalan kung sinong "Alvin" ang tinutukoy niya, espekulasyon ng mga netizen sa comment section, ay si Alvin Aragon, dating StarStruck season 1 avenger at mister ni SexBomb Girls member Izzy Trazona.
Isang netizen ang nagkomentong baka tumakbo raw si Alvin bilang senador.
"Alvin Aragon for Senator #teamdu30," mababasa komento ng netizen.
Bagay na nireplayan naman ni JM, "sarcasm ba to boss haha,"
Isa pang netizen ang nagkomentong "phobia unlocked" daw kapag nangyari ito.
"Ay hindi talaga malabo yan. Baka magka-party list pa ngani," saad pa ni JM.
Photo courtesy: Screenshot from JM Yosures/FB
Matatandaang naging kontrobersiyal si Alvin matapos niyang ipaliwanag sa isang panayam kung bakit hindi sumali ang misis sa matatagumpay na reunion concerts ng grupo niya, at sa mga naging pananaw niya tungkol sa homosexuality, kaugnay sa stepdaughter na si Sofia Trazona, anak ng asawa niya sa dating karelasyon.
Kamakailan lamang, muling naging usap-usapan si Alvin dahil sa panawagan niya sa isang executive ng GMA Network na tanggalan ng show ang isang "King of Talk" dahil tila iniimpluwensyahan ang mga magulang na okay lang magkaroon ng anak na miyembro ng LGBTQIA+ community.
Maki-Balita: 'Stop propagating Sin of homosexuality!' Alvin Aragon, pinapaalisan ng show si 'King of Talk'
Maki-Balita: KILALANIN: Si Alvin Aragon na bina-bash dahil sa misis na si Izzy Trazona, pananaw sa homosexuality