May 22, 2026

Home BALITA National

'Pagpapa-imbestiga ng flood control anomalies ni PBBM, 'di malilimutan ng Pilipino!'—Palasyo

'Pagpapa-imbestiga ng flood control anomalies ni PBBM, 'di malilimutan ng Pilipino!'—Palasyo
Photo courtesy: PCO (FB)

Idiniin sa publiko ng Malacañang na isa raw sa hindi malilimutan ng mga Pilipino ang naging pangunguna ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na maimbestigahan ang maaanomalyang flood control projects sa panahon daw na magbitiw na siya sa puwesto. 

Ayon sa isinagawang press briefing ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro nitong Biyernes, Marso 27, sinabi niyang tila wala raw pag-aalala ang pamahalaan sa panahon na matapos na ang termino ni PBBM dahil tiyak daw nilang hindi malilimutan ng taumbayan ang pag-uungkat ng Pangulo sa korapsyon, partikular sa loob ng ahensya ng Department of Public Works and Highways (DPWH). 

“Unang una po, masasabi natin na ang Pangulo po ang nagpauna na makapagpa-imbestiga sa maanomalyang flood control projects,” pagsisimula niya. 

Ani Castro, hindi raw kasi biro para sa isang Pangulo na hamunin at imbestigahan mismo sa panahon ng kaniyang panunungkulan ang mga korapsyon kahit sa mga bantang maaari daw niyang makabangga ang kaniyang mga kaalyado sa politika. 

“Hindi po biro sa isang Pangulo sa panahon ng kaniyang administrasyon na hahamon na imbestigahan ang lahat pati na ang kaniyang administrasyon, at maaaring mga kaniyang kaalyado para maipakita sa tao na hindi dapat inaabuso ang pondo ng bayan,” aniya. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Diin ni Castro, isa lamang daw ang pagpapa-imbestiga ng Pangulo sa maanomalyang flood control projects na siguradong hindi malilimutan ng taumbayan.  

“Isa lamang ito sa masasabi nating magandang ginawa ng Pangulo. Hindi na ito malilimutan ng mga kababayan natin,” saad niya. 

Halimbawa pa ni Castro sa kasalukuyang sigalot sa Gitnang Silangan, nagawa rin umanong mabilis na kumilos ng Pangulo sa problemang ito para matulungan ang mamamayan. 

“Katulad po ngayon. Ang mabilis na paggalaw at pagkilos ng Pangulo sa panahon ng nangyayaring krisis dito sa Middle East,” ‘ika niya. 

Panghihinayang ni Castro, tila raw masasayang ang mga nagawa ni PBBM kung ang mapipili ng taumbayan ay isang lider na hindi matutuloy ang mga nasimulan ng huli. 

“Ito po ang masasayang kung ang pipiliin nating leader ay hindi maipagpapatuloy itong mga naging gawain ng Pangulo,” anang undersecretary. 

“So nakakahinayang po talaga na baka mamayagpag muli ang mga hindi dapat na mamayagpag at makalimutan o panagutin ang mga dapat managot,” pagtatapos pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: Palasyo sa oil crisis: 'Gagawin lahat ng gobyerno within the bounds of law!'

KAUGNAY NA BALITA: Pilipinas, may sapat nang crude oil supply hanggang Hunyo 30, 2026!—PBBM