April 17, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Banat ni Boom Labrusca: Bago maki-bash sa pagsakay ng bus ni Leni, papasukin din sa office si Bato!

Banat ni Boom Labrusca: Bago maki-bash sa pagsakay ng bus ni Leni, papasukin din sa office si Bato!
Photo courtesy: Ray-An Rentoy, Boom Labrusca (FB)/MB File Photo

Usap-usapan ang pinakawalang buwelta ng aktor na si Boom Labrusca, tatay ng aktor na si Tony Labrusca, hinggil sa pinag-usapang pagsakay sa bus ni dating Vice President at ngayon ay Naga City Mayor Leni Robredo, gayundin ang hindi pagpasok sa Senado ni Sen. Ronald 'Bato" Dela Rosa.

Noong Biyernes, Marso 13, ibinida sa publiko ni Naga City Councilor Ray-An Rentoy ang larawan ni Robredo na nasa isang ordinaryong pampasaherong bus patungong Maynila.

Anang konsehal, paraan daw iyon ni Robredo upang makatipid sa paggamit ng government vehicle sa gitna ng pagtaas ng presyo ng produkto sa petrolyo.

Paglilinaw ni Rentoy, may nakatakda raw daluhan si Robredo sa ilang tanggapan ng pamahalaan sa Maynila kaya kinakailangan nitong bumiyahe.

Agad naman itong pinag-usapan, kung saan, nakatanggap ng papuri mula sa mga tagasuporta, pero kritisismo naman sa bashers at kritiko. Isa na nga riyan si dating presidential spokesperson Harry Roque.

Tsika at Intriga

Music label ni Hev Abi, pinabulaanan mga alegasyon laban sa rapper

Maki-Balita: Harry Roque, pinuna pagsakay sa bus ni Mayor Leni!

Bagay na tila sinagot naman daw ni Robredo sa pamamagitan ng isang post.

“Sagot sa fake news ng mga tao na walang kilalang politiko na [nagbu-bus] na walang bodyguard na kasama,” mababasa sa simula ng post ng alkalde.

Maki-Balita:  Mayor Leni, sinupalpal si Harry Roque?

Sa kaparehong araw, nabalita rin ang umano'y pagsulat ni Dela Rosa kay Senate President Tito Sotto III para magamit ng kaniyang pamilya ang Senate mansion sa Baguio City, sa paglalaro niya ng golf.

Maki-Balita: Matigas pa sa bato! Hiling ni Sen. Bato, Senate Mansion sa Baguio, magamit para sa golf!

Matatandaang matagal nang hindi pumapasok at dumadalo sa mga sesyon sa Senado ang senador matapos lumabas ang balitang umano'y may arrest warrant na siya mula sa International Criminal Court (ICC) bilang indirect perpetrator para sa kasong crimes against humanity ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi naman napagbigyan si Dela Rosa dahil kasalukuyan daw sumasailalim sa pagkukumpuni ang Senate mansion.

BANAT NI BOOM LABRUSCA

Nagpakawala naman ng banat na Facebook post si Labrusca sa kaniyang Facebook post nitong Sabado, Marso 14.

Si Labrusca ay tagasuporta ni Robredo noong nagdaang 2022 Presidential Elections.

Anang aktor, sumakay pa lang daw si Robredo sa bus, nagwawala na raw ang "trolls" para mambash at sirain ang dating Pangalawang Pangulo, na isa sa mga inaawitan para tumakbo ulit sa pagkapangulo at makatapat ang kasalukuyang si Vice President Sara Duterte, na nauna nang nag-anunsyo sa kaniyang pagtakbo para sa 2028.

"Sumakay pa lng ng bus yan take note .. lagare agad troll farm nila" aniya.

Saad pa niya, "Bago ka maki bash sa pagsakay ng bus ni mam leni ... aba papasukin mo din naman sa office si sen bato .. oks lang ba?" na may hashtag na #tobefair."

Photo courtesy: Screenshot from Boom Labrusca (FB)

Sa isa pang Facebook post, "Sumakay pa lang ng bus yan par .. wala pang announcement Igit igit ah."

Photo courtesy: Screenshot from Boom Labrusca (FB)

Samantala, hindi naman direktang tinukoy ni Labrusca kung sino ang partikular na personalidad na pinatatamaan niya.