April 16, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Jay Sonza, binanatan si Anne Curtis: 'Yung career mo was precisely about arousing men!'

Jay Sonza, binanatan si Anne Curtis: 'Yung career mo was precisely about arousing men!'
Photo courtesy: Jay Sonza, Anne Curtis (FB)

Bumwelta ang mamamahayag na si Jay Sonza laban kay Anne Curtis matapos ang kontrobersiyal na paggamit sa kaniya ni Quezon City 4th District Rep. Bong Suntay, sa naging analogy niya sa pagdinig sa pagiging sufficient in substance ng impeachment complaints kay Vice President Sara Duterte.

Matatandaang naglabas na rin ng kaniyang opisyal na pahayag si Anne, na umani naman ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen, bukod pa sa inilabas na opisyal na pahayag ng kaniyang legal team.

Sa isang mahabang pahayag na inilabas niya sa social media nitong Sabado, Marso 7, sinabi ni Anne na binigyang-pansin na muna niya ang ilang mas mahahalagang bagay sa buhay niya, gaya ng pag-uwi sa Pilipinas matapos ma-stranded sa Middle East dulot ng mga kanselasyon ng flights dahil sa tensyon sa Middle East.

Sumunod, inaddress na nga ni Anne ang naging kontrobersiyal na isyu na ilang araw na ring mainit na pinag-uusapan sa social media.

Pahayag ni Anne, labis siyang nabigla, nasaktan at nainis nang magamit umano ang kaniyang pangalan sa isang “vulgar at sexualized na analogy” na ginawa ng kongresista.

Tsika at Intriga

Away-Kapamilya! ABS-CBN nagsalita sa isyu ng 'shut down,' alitan ng pamilya Lopez

Ayon pa sa kaniya, ginamit ang kaniyang pangalan nang walang pahintulot at sa maling konteksto.

Gayunman, sinabi niyang kalaunan ay naging malinaw sa kaniya na ang insidenteng ito ay hindi lamang tungkol sa kaniya, kundi tungkol sa mas malawak na isyu ng pagtrato sa kababaihan.

Ayon kay Anne, hindi bihira ang ganitong klaseng pahayag laban sa mga babae. Aniya, araw-araw umano itong nangyayari; sa mga opisina, group chats, o sa mga lugar kung saan iniisip ng ilang kalalakihan na walang makakarinig sa kanila.

Ngunit aniya, mas naging seryoso ang insidente dahil nanggaling ito sa isang opisyal ng gobyerno.

“Misogyny dressed up as a joke is still misogyny,” diin niya, na tumutukoy sa kultura ng pagbibiro na may halong pambabastos sa kababaihan.

Binigyang-diin din ng aktres na ang mga opisyal ng gobyerno ay dapat maging ehemplo ng respeto dahil sila ay nagsisilbi sa publiko, kabilang na ang mga kababaihan.

Sa kaniyang pahayag, tahasang sinabi ni Curtis na hindi niya tinatanggap ang paghingi ng paumanhin ng kongresista.

“I do not accept your non-apology,” diretsahang sinabi ng aktres.

Gayunpaman, sinabi niyang tinatanggap niya ang paghingi ng paumanhin ng asawa ng mambabatas. Ayon sa kaniya, nauunawaan niya ang posisyon at posibleng nararamdaman ng asawa at mga anak ng kongresista, na aniya’y hindi dapat madamay sa kontrobersiya.

Sa dulo ng kaniyang pahayag, sinabi ng aktres na naghahanap na siya ng legal advice at pinag-aaralan ang kaniyang mga susunod na hakbang.

Nanawagan din siya sa House ethics committee na huwag balewalain ang insidente, dahil nakasalalay umano dito ang integridad ng pampublikong tungkulin.

“Any leader who cannot respect women does not understand leadership at all,” dagdag niya.

Nagpasalamat din si Anne sa mga taong sumuporta sa kaniya, mapa-kapwa babae at lalaki, na nanindigan laban sa mga pahayag na aniya’y nagpapakita ng kawalan ng respeto sa kababaihan.

Ayon pa sa aktres, ang insidenteng ito ay patunay kung bakit mahalagang ipagdiwang at ipaglaban ang diwa ng Women’s Month.

Maki-Balita: Sorry ng misis, aprub: Anne Curtis, hindi tinanggap sorry ni Rep. Bong Suntay!

Maki-Balita: Banat ni Anne Curtis: 'Any leader who cannot respect women does not understand leadership at all!'

Wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Suntay tungkol dito.

Samantala, sa kaniyang Facebook post noong Linggo, Marso 8, kinalkal ni Sonza ang mga throwback photo ni Curtis at saka kinomentuhan.

Aniya, "trabaho" raw ng aktres ang mag-arouse sa mga lalaki, kaya bakit daw siya nagrereklamo ngayon.

“Yung career mo was precisely about arousing men. Then when a man told you he is aroused by you, magagalit ka. Anong klaseng katangahan naman iyon. Mananadya ka, tapos kapag sinabihan ka ng epekto ng iginawi mo doon sa tao, nagrereklamo ka. Tingnan mo nga iyang suot mo, pakiwari ko ay matris na lang ang hindi nakabuyangyang dian," anang Sonza.

Dagdag pa niya, "There is a place for exhibiting rawness..not on stage where there are men n kids whose imagination̈ get stirred for such displays. A little decency should have been considered."

"Pag sabihan nyo nga ang babaitang ito. March 8 pa man din ngayon - International Women's Day," aniya pa.

Photo courtesy: Screenshot from Jay Sonza/FB

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"The problem isn’t what she wore. The problem is how you think."

"Clothing may attract attention, but it should never justify disrespect. Actresses sometimes wear swimsuits or revealing outfits as part of their profession, just like athletes wear uniforms for their sport. That doesn’t make them objects for men’s imagination or degrading comments. Respect should never depend on what a woman is wearing. IKAW ANG DAPAT PAGSABIHAN. KAPAG BASTOS KA, BASTOS KA."

"Tama ka Sir"

"I agree women should have the decency to cover their bodies accordingly."

"Yes, dapat irespeto rin ang sarili para makuha ang respeto ng ibang tao."

"It appears that these actions are intentionally designed to provoke a reaction. What outcome do you anticipate from this?"

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Curtis hinggil sa naging pahayag laban sa kaniya ni Sonza.