March 06, 2026

Home BALITA

Lalaking umepal sa away mag-asawa, patay sa saksak!

Lalaking umepal sa away mag-asawa, patay sa saksak!

Patay ang isang lalaki matapos siyang pagsasaksakin ng kaniyang katrabaho sa Biñan, Laguna.

Ayon sa mga ulat, kinilala ang biktima na si alyas "Ruel." Naidala pa siya sa ospital ngunit kalaunan ay binawian din ng buhay dahil sa tinamong mga saksak.

Batay sa kuha ng video, makikitang pilit pang tumatakbo ang biktima sa gilid ng kalsada bago ito natumba. Pagkalapit ng suspek, muli umano niya itong pinagsasaksak. 

Sa mga naunang bahagi ng insidente, makikita rin ang mga patak ng dugo sa daan, indikasyong nasugatan na ang biktima bago pa man makuhanan ng video ang kaniyang pagtakbo.

Matapos ang pananaksak, agad na tumakas ang suspek habang nakahandusay ang biktima sa kalsada.

National

4-day workweek, pansamantalang ipatutupad sa ilang executive offices ng pamahalaan

Sa imbestigasyon, napag-alamang magkasamang nag-iinuman ang suspek at ang biktima bago naganap ang krimen. Pareho silang nagtatrabaho sa isang pagawaan ng hollow blocks.

Ayon sa isa pa nilang katrabaho, nagkaroon umano ng pagtatalo ang suspek at asawa nito, at sinasabing nakialam ang biktima sa naturang alitan, na posibleng naging ugat ng insidente.

Patuloy ang isinasagawang manhunt operation ng pulisya laban sa suspek na mahaharap sa kasong homicide.