Usap-usapan ng mga netizen ang simpleng social media post ng aktor na si Ron Angeles, sa kasagsagan ng isyu ng pagkakaroon umano niya ng sex video na patuloy na pinagpipiyestahan ng mga netizen sa iba't ibang social media platforms.
Bukod kay Ron, iniintriga rin sa scandal ang mga kapwa aktor na sina Arron Villaflor, Gil Cuerva, at Nikko Natividad.
Kaya nga ang bansag sa kanila ngayon, "Big Four." Sumabay kasi ito sa Big Night ng katatapos lamang na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Bandang 12:41 ng hapon nitong Linggo, marso 1, makikita si Ron na nakababad sa tubig sa isang swimming pool.
"Relax lang kayo dyan," mababasa sa caption ng post.
Hindi naman naiwasan ng mga netizen na tanungin at usisain si Ron sa comment section ng post.
"Relax lang nmn kami may susunod pa ba dun?"
"Akala ko juts dahil walng bumabakat pero ngkamali ako..sana next time ung malapitan pra klaro.."
"Naka relax naman na."
"Relax and waiting sa next episode po. Opo Papa Ron."
"Sobrang relax habang pinapanuod ko."
"Gifted at magaling!"
Samantala, wala pang pormal at opisyal na reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Ron tungkol dito.
Kaugnay na Balita: Ibang Big Four pala? Sex scandal umano nina Arron Villaflor, Ron Angeles, Gil Cuerva, Nikko Natividad pinagpiyestahan!