May 22, 2026

Home BALITA National

Gabriela, ipinanawagan pagkalas ng Pinas sa EDCA, para 'di madamay sa US-Israel vs. Iran war

Gabriela, ipinanawagan pagkalas ng Pinas sa EDCA, para 'di madamay sa US-Israel vs. Iran war

Nanawagan ang Gabriela Women’s Party sa pamahalaan na ibasura ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) at tiyaking hindi madadamay ang Pilipinas sa mga foreign military conflicts.

Kasabay nito, mariing kinondena ni Gabriela National President at dating mambabatas na si Arlene Brosas ang kamakailang joint airstrike ng United States at Israel laban sa Iran, na aniya’y nagbabanta sa katatagan ng rehiyon at sumasalungat sa international law.

“The joint US–Israel attack on Iran is a dangerous act of military aggression that will inflict more hardships to the Iranian people,” pahayag ni Brosas nitong Linggo, Marso 1, 2026.

“Such unilateral use of force, justified by unverified claims of security threats, risks plunging millions of civilians into deeper insecurity and suffering,” dagdag pa niya.

Iginiit ni Brosas na ilang ulit nang ginamit ng US ang naratibo ng “imminent threats” upang bigyang-katwiran ang mga interbensiyong militar na umano’y lumalabag sa soberanya ng mga malalayang bansa.

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

“Sa ilalim ni Trump, ginagawang panakot ang gera laban sa mga bansang ayaw maging sunod-sunuran sa Estados Unidos. Tahasang ginagamit ang naratibong “nuclear threat” para bigyang katwiran ang panghihimasok sa ibang bansa upang lalong magpalawak ng kapangyarihan,” ani Brosas.

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Bakit inatake ng US at Israel ang Iran na nagdulot ng tensyon sa Middle East?

“Hindi dapat pahintulutan ng pamahalaan na magamit ang ating teritoryo bilang lunsaran ng anumang opensibang militar laban sa Iran o sa alinmang bansa. Ang EDCA at iba pang makaisang-panig na kasunduang militar ay naglalagay sa atin sa panganib at ginagawang kasabwat ang Pilipinas sa mga digmaan ng ibang bansa,” dagdag pa niya.

MAKI-BALITA: 'Di maganda timing!' Sen. Win, may hanash sa posibleng epekto sa Pilipinas ng sigalot sa Middle East