March 01, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

‘Masakit siya guys!’ Kaye Abad, dinapuan ng isang viral illness na ngayong lang niya narinig

‘Masakit siya guys!’ Kaye Abad, dinapuan ng isang viral illness na ngayong lang niya narinig
Photo courtesy: Kaye Abad (FB screenshot)

Ikinuwento ng aktres na si Kaye Abad ang diagnosis ng viral illness kamakailan at ang kasalukuyan niyang pagpapagaling mula rito. 

Sa candid video ni Kaye noong Sabado, Pebrero 28, ibinahagi niya na ang nasabing viral illness ay Herpangina, aniya pa, pangatlong araw na niya itong self-isolation mula sa pamilya niya. 

“I’ve been isolating myself for three days now. I think I got sa airport or sa plane. I felt sick, Sunday night,” pagbabalik-tanaw ng aktres. 

Sa mga unang dalawang araw, ibinahagi ni Kaye na nakaramdam siya ng lagnat, pagkawala ng gana sa pagkain, panghihina, at pananakit ng kasu-kasuan kaya inakala niyang dengue ito. 

Pagdating daw ng pangatlong araw, dito na lumabas ang blisters sa kaniyang bibig, kaya inakala naman niyang hand, foot, and mouth disease, ang nakuhang sakit. 

Tsika at Intriga

'Relax lang kayo dyan!' post ni Ron Angeles, para ba sa mga nakapanood ng umano'y sex video niya?

“When I showed the doctor the picture, especially my throat and the positions of the mouth sores, he said it’s herpangina. Ngayon ko lang narinig ‘yon. I googled it, and it’s [in] the same family as hand, foot, and mouth disease, except herpangina is walang rashes sa hands and sa feet,” paliwanag ni Kaye. 

“And sa position ng sores, sa cheeks, sa cheek area, and sa tongue, wala ako sa throat,” dagdag pa niya. 

Pagdating naman ng pang-apat na araw, mas dumami raw ang sores sa kaniyang bibig, at nang panlimang araw, noong Sabado na kinuhanan niya ang video, dito raw siya nakaranas pinakamasakit at mahapdi na mga sugat, kaya nahirapan raw siya magsalita, kumain, at kahit ngumiti. 

Simula raw noong pangatlong araw ng kaniyang pagkakasakit, oatmeal at juicing lang ng iba pang pagkain dahil nahihirapan raw siya kumain ng solid foods. 

“Good thing na wala akong sores sa throat, I can still drink water. Cold water helps kasi medyo nawawala ‘yong stingy feeling,” ani Kaye. 

Saad pa ng aktres, walang gamot para sa herpangina kaya ang kadalasang mouth sores medicine ay hindi gagana rito. 

Para maibsan ang sakit na nararamdaman, cold compress at temporary numbing gels lamang ang remedyo ni Kaye. 

“So, naka-isolate ako from the kids. They’re okay,” pagtitiyak naman ng aktres hinggil sa sitwasyon ng mga anak niya. 

“Just to warn you guys, keep safe. It’s very hard. Masakit siya, guys. I hope I’ll be better,” saad ni Kaye sa pagtatapos ng kaniyang video update. 

Ano nga ba ang Herpangina? 

Ayon sa healthline, ang herpangina, ay isang viral disease, na kadalasa’y mayroong blister-like ulcers sa loob ng bibig at lalamunan. 

Katulad ng nabanggit ni Kaye, ang mga sintomas nito ay nagdudulot ng biglaang lagnat, pananakit ng lalamunan o sore throat, pananakit ng ulo at leeg. 

Ang herpangina ay hawig sa hand,foot, and mouth disease, at parehang kondisyon ay dulot ng enteroviruses na grupo ng mga virus na kadalasang nakaaapekto sa gastrointestinal tract ngunit minsa’y kumakalat din sa iba pang parte ng katawan. 

Bagama’t kadalasa’y naaapektuhan nito ay mga batang nasa edad 3 hanggang 10, ito ay nakaapekto rin sa adults at dahil viral, ito ay nakakahawa. 

Upang maiwasan, ang tamang paghuhugas ng kamay ay nakatutulong para mabawasan ang risk ng pagkalat nito. 

Ang gamot rito ay depende rin sa iba’t ibang factors tulad ng edad, sintomas, at tolerance sa mga partikular na gamot. 

Sean Antonio/BALITA