Usap-usapan ang mga netizen ang tungkol sa mga kumakalat na umano'y magkakabukod na maseselang videos ng mga aktor na sina Arron Villaflor, Ron Angeles, Gil Cuerva, at Nikko Natividad, na pinagpasa-pasahan na sa iba't ibang social media platforms.
Nagkataon pang sumabay ang nabanggit na pagkalat ng videos sa Big Night ng "Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0" kaya binabansagan tuloy silang "Big Four."
May ilan pa ngang pinagkakakitaan pa ito.
Ilang netizens ding nakapanood na ang nagbigay pa nga ng "rating" kung sino raw sa kanilang apat ang pinaka-daks at pinakamagaling sa kama, nakakaloka!
Sa press conference ng pelikulang "Pater Noster" kamakailan kung saan kabilang sa cast si Arron, nasabi niyang mukhang "smear campaign" lang ito laban sa kaniya, at mukhang eksena lang mula sa Vivamax ang ilang clips na ipinakita sa kaniya. Pinabulaanan niyang siya ang lalaki sa nabanggit na video.
"Ginamit pa yung ‘Arron, meron ka raw scandal.’ Sabi ko, ‘Go! Ipakita ninyo sa akin. E, lahat nang ipinapakita nila, from my Vivamax projects. Ay naku, napakadami po [ng smear campaign]. It’s part of the political industry, so depende sa iyo on how you're gonna react," aniya, na mababasa rin sa isang artikulo ng PEP.
"It’s a different world. In showbiz, somehow, good or bad publicity is still publicity, but when it comes to politics, if it’s bad, it’s really really bad,” dagdag pa ng aktor.
Nakakaloka dahil sa apat na videos, mas "malala" ang sa kaniya dahil threesome daw ito (umano'y siya at dalawang babae).
Sinabi rin ni Arron dito na hindi na muna siya tatango sa mga proyektong may sexy roles, lalo na't inaalagaan niya ang imahe bilang isang public servant.
Si Arron kasi, bukod sa pagiging artista, ay public servant din. Provincial board member siya sa 2nd District ng Tarlac.
Sina Ron, Gil, at Nikko, wala pang direktang pahayag tungkol dito, kahit na pinuputakti na sila ng mga tanong at pang-aasar sa kani-kanilang social media platforms.
Pero si Ron, may makahulugang social media post nitong Linggo, Marso 1, kung saan makikitang nakababad siya sa tubig ng isang swimming pool.
"Relax lang kayo diyan," mababasa sa simpleng caption niya.
Wala namang post si Gil tungkol dito, at ang huling post pa nga niya ay noon pang Enero 21.
Si Nikko naman, patuloy sa pagpo-post ng "naughty contents" niya, pero noong Sabado, Pebrero 28, lumabas silang mag-anak para ipagdiwang ang "anniversary" nila ng misis na si Cielo Eusebio.
"Anniversary date namin dapat daw kasama mga boys nya para triple ang kilig," mababasa sa caption ng post.
Sa kabilang banda, mahirap ding matukoy kung sila o hindi ang nabanggit na video lalo't posibleng may mga taong magkakamukha, o kaya naman, puwedeng gawa na rin ng AI.