February 12, 2026

Home BALITA Metro

'No personnel shall be treated that way!' DOTr nagsalita sa isyu ng MRT-3 staff na pinaghawak ng tarpaulin signs

'No personnel shall be treated that way!' DOTr nagsalita sa isyu ng MRT-3 staff na pinaghawak ng tarpaulin signs
Photo courtesy: Cadmiel Jared Pabellan (FB), MB

Mariing kinondena ng Department of Transportation (DOTr) MRT-3 ang kamakailang nag-viral na video at mga litrato ng MRT-3 staff na may hawak na tarpaulin signs na nagdidirekta sa mga pasahero patungo sa functioning escalator sa isang estasyon. 

Bilang tugon, naglabas ng opisyal na pahayag ang DOTr MRT-3 nitong Huwebes, Pebrero 12, kung saan humingi sila ng dispensa at nilinaw na hindi awtorisado ng MRT-3 management ang insidente.

“The Department of Transportation (DOTr)–MRT-3 management sincerely apologizes for the recent incident at Shaw Boulevard Station, where certain personnel were seen holding tarpaulin signs directing passengers to the station’s functioning escalators,” saad ng ahensya. 

“The actions of the station supervisor involved were not authorized by MRT-3 management and were immediately stopped the moment the management learned about it,” dagdag pa nila. 

Metro

‘Libreng Sakay,’ aarangkada sa Valentine’s Day para sa PhilHealth cardholders!

Para matiyak na mapananagot ang istasyon sa naging insidente, pinatawan rin ng “immediate relief” ang station supervisor ng MRT 3 Shaw Boulevard Station. 

“Transportation Secretary Banoy Lopez has ordered the immediate relief of the station supervisor who has since been referred to the MRT-3 Disciplinary Committee for appropriate investigation and corresponding sanctions,” saad ng ahensya. 

Humingi rin sila ng dispensa sa mga nasabing personnel na pinaghawak ng tarpaulin signages dahil bukod sa hindi ito parte ng kanilang trabaho, hindi rin daw dapat itinatrato nang ganoon ang sinumang personnel. 

Kaya tiniyak ng DOTR MRT-3 na nagsasagawa na sila ng mga maagap na aksyon para hindi na muling maulit ang nasabing insidente.

Sa kaugnay na ulat, naglabas din ng opisyal na pahayag ang DOTr MRT-3 noong Lunes, Pebrero 9, para humingi ng dispensa sa nag-viral na signage sa kaparehang istasyon dahil sa sirang escalator nila. 

“Each step you climb is a gift to your heart, lungs, and muscles,” saad sa nasabing signage, na lubos ikinagalit ng maraming netizens. 

Photo courtesy: Jane Guanzon (FB)

Nilinaw ng DOTr MRT-3 na agad nila itong ipinababa dahil ang inisyatibang ito ay hindi raw awtorisado ng kanilang management. 

“We sincerely apologize for this. There was never any intention to invalidate or diminish the commuters’ experiences or concerns. We recognize the importance of listening, especially when issues about accessibility, comfort, and safety of the commuters are raised,” saad ng ahensya. 

Kaya nabisuhan ng ahensya ang mga personnel ng istasyon na agad solusyonan ang mga sirang escalator para maiwasan ang dulot nitong abala sa mga pasahero. 

“DOTr Secretary Banoy Lopez and General Manager Michael Capati have given stern instruction that any reported malfunction of escalators must be addressed immediately, with repairs being prioritized to ensure minimal disruption,” dagdag pa rito. 

Sean Antonio/BALITA