February 11, 2026

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Mga pag-uugaling maghahatid ng kamalasan ngayong Year of the Horse

ALAMIN: Mga pag-uugaling maghahatid ng kamalasan ngayong Year of the Horse

Sa pagpasok ng Year of the Horse ngayong 2026, karaniwan nang hinahanap ng marami ang mga pampaswerte—lucky colors, lucky charms at maging ang tamang direksiyon ng bahay o opisina. 

Ngunit ayon sa kilalang feng shui expert na si Master Hanz Cua, hindi lamang sa panlabas na bagay nakasalalay ang kapalaran. Mas malaki raw ang epekto ng mismong pag-uugali ng tao.

Sa eksklusibong panayam ng Balita, ipinaliwanag ni Cua na ang enerhiya ng Horse ay may elementong apoy: mabilis, aktibo at emosyonal. Kapag hindi sumabay ang mindset at kilos ng isang tao, maaaring hindi niya mapakinabangan ang mga pagkakataong dumarating sa taon.

Katamaran

Number one tamad. Kung lagi ka lang, 'Ayaw ko, hindi 'yan. ' 'Yan ayan natin niyan,” ani Master Hanz.

Human-Interest

ALAMIN: Dapat tandaan sa pag-aahit ng buhok sa ari sa nalalapit na Araw ng mga Puso

Unang babala ang pagiging tamad. Dahil ang Year of the Horse ay konektado sa galaw at aksiyon, ang taong ayaw kumilos o laging nag-aatubili ay madaling mapag-iwanan. Sa trabaho, maaaring mapunta sa iba ang promosyon; sa negosyo naman, maagaw ng mas maagap na kakompetensiya ang kliyente.

Ayon sa mga practitioner ng feng shui, ang swerte raw ay parang tren—dumaraan lamang at kailangang sakyan agad. Kapag palaging “mamaya na,” lumilipas ang pagkakataon.

Negatibong Pag-iisip

Number two, ang pagiging negative minded. Hindi pa nagsisimula, ayaw na natin,” saad ni Master Hanz.

Ikalawa ang pagiging negatibo. Marami raw ang hindi pa nagsisimula ay agad nang sumusuko. Kapag ganito ang pananaw, bumababa ang kumpiyansa sa sarili at natatakot sumubok ng bagong trabaho, negosyo o proyekto. Sa 2026, kung saan mabilis ang daloy ng oportunidad, ang takot at pag-aalinlangan ang nagiging hadlang sa pag-asenso.

Reklamo at Pagba-bash

Number three yung tipong lagi tayong may mga reklamo, bash tayo dito, bash tayo d'yan,” giit ni Master Hanz.

Pangatlo ang pagiging reklamo at mapanghusga. Sa halip na pagbutihin ang sarili, nauubos ang oras sa pagbatikos sa ibang tao. Ayon kay Cua, konektado sa emosyon ang elemento ng apoy, kaya kapag puro galit, inggit o inis ang iniisip, negatibo rin ang enerhiyang nabubuo sa paligid.

Sa halip na makatulong, nagiging pabigat pa ito sa mental na kalagayan at sa relasyon sa trabaho at pamilya.

Pagpapalampas ng Oportunidad

Number four, yung tipong nami-miss out na natin yung mga opportunities,” paliwanag ni Master Hanz.

Pang-apat ang hindi pagsunggab sa pagkakataon. Kapag laging nagdadalawang-isip, may ibang kukuha ng chance—posisyon sa trabaho, bagong proyekto, o kahit relasyon. Isa raw ito sa pinakakaraniwang dahilan kung bakit hindi nararanasan ng ilan ang inaasam na swerte.

Ipinaliwanag ni Cua na ang Year of the Horse ay hindi lamang tungkol sa suwerte kundi sa pagiging handa. Ang taong kumikilos, positibo ang pananaw at bukas sa pagbabago ang may pinakamalaking tsansang umunlad.

Sa huli, paalala ng feng shui expert: maaaring gabayan ng feng shui ang direksyon, ngunit ang asal at desisyon ng tao ang tunay na magtatakda ng kanyang kapalaran ngayong 2026.