February 09, 2026

Home SHOWBIZ

'Huwag po kayong paloko!' Vice Ganda, binalaan publiko sa scammer na ginagamit pagkakakilanlan niya

'Huwag po kayong paloko!' Vice Ganda, binalaan publiko sa scammer na ginagamit pagkakakilanlan niya
Photo courtesy: Vice Ganda/FB


Nagpaalala sa publiko si TV host at Unkabogable Superstar Vice Ganda hinggil sa umano’y scammer na ginagamit ang kaniyang pangalan at ilang videos upang makapanloko at makapambiktima.

Sa ibinahaging social media post ni Vice Ganda noong Linggo, Pebrero 8, nagbabala siya na huwag magpapaloko sa mga nasabing scammer.

“SCAM ALERT! May mga gumagamit ng lumang live videos ko at nagpapanggap na ako para makapang-scam! HUWAG PO KAYONG PALOKO!” saad ni Vice Ganda.

Giit pa niya, “Tanging VERIFIED FACEBOOK ko lamang po ang opisyal at tunay na ginagamit ko dito sa Facebook.”

Photo courtesy: Vice Ganda/FB

Tsika at Intriga

'I choked, lost consciousness!' Ogie Alcasid muntik mategi nang mabulunan



Mababasa sa comment section ng naturang post na maraming netizens na ang tila nabahagian ng mensahe ng scammer.

Ang ilan pa sa kanila ay naglahad din ng karanasan matapos silang tila magoyo ng nasabing manloloko.

Panawagan tuloy ni Vice Ganda, agad na iulat ang non-verified accounts na makikita nilang may kahina-hinalang mga aktibidad.

“Kung may kahina-hinalang activity mula sa non-verified accounts na ginagamit ang aking pangalan, i-report agad! Mag-ingat at maging mapanuri!” aniya.

Vincent Gutierrez/BALITA