'FOR US, IRRELEVANT'
Nagbigay-komento si Palace Press Officer Usec. Claire Castro kaugnay sa sinabi ng Makabayan bloc na katulad umano ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. ang ama niyang si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr..
Sa pagdinig ng House Committee on Justice nitong Lunes, Pebrero 2, tila inihalintulad ng Makabayan bloc si Pangulong Bongbong Marcos, Jr. sa ama nitong si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. kaugnay sa umano'y malaganap na korapsyon sa administrasyon nito.
Maki-Balita: Makabayan bloc sa umano'y korapsyon sa Marcos Jr. admin: 'Like father, like son'
Samantala, sinagot ni Castro ang mga sinabi ng Makabayan bloc kaugnay sa umano'y korapsyon at paghahalintulad kay Marcos Jr. sa kaniyang ama.
"May mababago pa po ba sa mga sinasabi ng mga Makabayan bloc? Madali po kasing magbintang, madaling magsalita sa harapan ng media, sa harapan ng kamera. Pero ang mahirap po rito ay patunayan ang kanilang pagbibintang," ani Castro.
Pagbibigay-diin pa niya, "Hindi naman po ibig sabihin na sila po ay hinahayaang magsalita at meron silang freedom of expression ay maaari na po silang magsalita ng basta-basta nang walang anumang ebidensya."
"So, for us, irrelevant."