January 30, 2026

Home SHOWBIZ Events

'I'm still in awe!' Bazaar ni Kim Chiu, sold out!

'I'm still in awe!' Bazaar ni Kim Chiu, sold out!
Photo courtesy: Kim Chiu (IG)

Malugod na nagpasalamat sa mga pumunta at bumili ang Kapamilya star at "It's Showtime" host na si Kim Chiu sa ginanap niyang Kim Chiu Closet Bazaar sa Scout Santiago Street, Quezon City, na nagsimula na noong Miyerkules, Enero 28, 2026. 

MAKI-BALITA: 'Proceeds will be donated to charity!' Bazaar ni Kim Chiu, pinilahan malala

Ayon sa naging post ni Kim sa kaniyang Instagram account nitong Biyernes, Enero 30, sinabi niyang sobrang “grateful” niya sa pagmamahal at suporta ng mga tao sa kaniya. 

Ani Kim, umabot lamang sa loob ng isa at kalahating araw ang bazaar niya at agad nang sold out ang kaniyang mga paninda na inaasahan sanang matatapos pa sa parating na Linggo, Pebrero 1, 2026. 

Events

'Proceeds will be donated to charity!' Bazaar ni Kim Chiu, pinilahan malala

“It is a 3-way happiness indeed,” pagsisimula niya, “Extremely grateful for the overwhelming love and support. What was supposed to be 5 days turned into just 1½ days—and honestly, I am still in awe.” 

Anang aktres, sobrang nakakataba raw ng puso ang mga taong hindi nagdamot ng oras, pumila, umabsent sa trabaho, sumakay pa sa eroplano, at iba pa para lamang makadalo sa kaniyang bazaar. 

“Maraming salamat sa oras na ibinigay ninyo—sa mahabang pila, yung iba na half time sa work or nag absent and to those who flew in, drove for hours from the province, just to be here. Sobrang nakakataba po ng puso. I am truly overwhelmed in the best way,” aniya.

Pagpapatuloy ni Kim, “3-way happiness” raw ang nararamdaman niya dahil sa naging mabilis na resulta ng kaniyang bazaar. 

“This bazaar became a 3-way happiness—happiness for me, happiness for you, and happiness for our chosen charity,” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang noon lamang Huwebes, Enero 29, ay maagang nagtipon-tipon ang daan-daang fans at shoppers sa ginanap na Kim kaniyang bazaar na ginanap sa Quezon City. 

MAKI-BALITA: 'Proceeds will be donated to charity!' Bazaar ni Kim Chiu, pinilahan malala

Ayon sa Instagram post ni Kim, hindi inaasahan ang aga at dami ng mga dumating dahil 6:00 pa lamang ng umaga ay may pila na sa labas ng venue.

Pagsapit ng 9:00 ng umaga, umabot na sa mahigit 200 katao ang nakapila para makapasok sa bazaar, tampok ang mga pre-loved at personal na kasuotan ng aktres.

“Super grateful for all the love and support. Proceeds will be donated to charity,” ani Kim noong Huwebes. 

MAKI-BALITA: Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Mc Vincent Mirabuna/Balita