Inanunsiyo ni Queen of All Media Kris Aquino na maglalabas siya ng video podcast bilang regalo sa kaniyang mga tagasuporta.
Sa latest Instagram post kasi ni Kris nitong Lunes, Enero 26, nagbahagi siya ng update patungkol sa kaniyang buhay kalakip ang serye ng mga litrato.
“This ‘carousel’ of photos and videos happened January 24, 6:30-10 PM; January 25 from 4 PM to 6:45 PM. i said yes to have my PortaCath re-done,” saad ni Kris sa caption.
Dagdag pa niya, “Thank you to my cousin-in-law, Dr. Nic Cru,z who arrivedat 1 AM from a conference in Singapore, and vascular surgeon Dr Jeff Chua.”
Kasama rin sa mga pinasalamatan ni Kris si Sen. Robin Padilla at ang aktres na si Erich Gonzales dahil sa pagbisita ng dalawa sa kaniya.
At sa huling bahagi ng post, inihayag ng Queen of All Media ang pangungulila niya sa dating trabaho.
Aniya, “With the correct safety protocols, pwede akong mag taped as live video podcast. I MISS DOING INTERVIEWS!”
“Will you watch & subscribe? Like this post if you want my podcast to start soon with a partial home tour? My birthday gift to you,” dugtong pa ni Kris.
Minsan na ring niyaya ni Asia’s King of Talk Boy Abunda noong 2023 na gumawa ng show si Kris sakaling gumaling ang huli.
Matatandaang ang huling show na pinagsamahan ng dalawa ay "Tonight with Boy and Kris" sa ABS-CBN. Nang mawala si Kris sa ABS-CBN, naging "Tonight with Boy Abunda" o TWBA ito.
Maki-Balita: Boy Abunda, inaya si Kris Aquino gumawa ng show 'pag magaling na