Nagbigay ng updates si Boy Abunda tungkol sa pagdalaw niya sa kaibigang si Kris Aquino sa USA noong Oktubre, batay sa kaniyang programang "Fast Talk with Boy Abunda."
Matatandaang ipinost din ni Kris ang reunion nila ni Boy sa kaniyang Instagram post.
View this post on Instagram
MAKI-BALITA: Boy Abunda, Kris Aquino nag-reunite sa US; may pasabog nga ba?
Pag-amin ni Boy, simula nang magka-pandemya at nagkasakit si Kris, ngayon na lang ulit sila nagkita, at hindi raw naiwasan ni Boy na maging emosyunal nang makaharap ulit ang kaibigan.
"We had a nice interaction and a nice conversation, marami ho kaming napagkuwentuhan, sabi nga ng kaniyang anak, ang aking inaanak na si Bimby, 'Alam n'yo po Ninong I'm back to my 4-year old self. Parang nakikita ko po na kayong dalawa eh nagsho-show.'"
Kaya wish ni Boy na sana ay tuluyan nang gumaling si Krissy para makabalik na sa Pilipinas at makagawa na sila ng show.
"Kaya sabi ko nga kay Kris, 'Kris pagaling ka, gagawa tayo ng palabas."
Matatandaang ang huling show na pinagsamahan nina Boy at Kris ay "Tonight with Boy and Kris" sa ABS-CBN.
Nang mawala si Kris sa ABS-CBN ay naging "Tonight with Boy Abunda" o TWBA ito.
Samantala, hindi pa sigurado kung mapapanood sa FWTBA ang naging pag-uusap nilang dalawa sa US.