January 26, 2026

Home BALITA

'Gusto n'ya iba na ang tumaya!' Robredo, 'di na raw bet Presidential bid sa 2028?

'Gusto n'ya iba na ang tumaya!' Robredo, 'di na raw bet Presidential bid sa 2028?
Photo courtesy: via MB

Ibinahagi ni Sen. Kiko Pangilinan ang naging usapan umano nila ni dating Vice President at Naga City Mayor Leni Robredo para sa susunod na Presidential election sa 2028.

Sa panayam ng media kay Pangilinan nitong Sabado, Enero 24, 2026, iginiit niyang mas gusto na lang daw ni Robredo na ibang tao na lang ang tumayo sa inaalok na posisyon sa kaniya na tumakbo muling Presidente ng bansa.

“Sabi ko sa kaniya, 'Ma'am, don't close the door in 2028. At ang nabanggit n'ya sa akin ay mas gusto daw niyang iba na ang tumaya. Pero sabi ko, 'Ma'am, gaya ng sinabi n'yo ma'am, noong 2021, 2022, sabi n'yo if it's meant to be it will happen,’” ani Pangilinan.

Dagdag pa niya, “So in the meantime, trabaho muna tayo.”

National

Ogie Diaz, pinalagan sinabi ni Greco Belgica na hayaan mga 'tunay na lalaki' sa gobyerno

Matatandaang si Pangilinan at Robredo ang naging magkatambal noong 2022 National Election kung saan si Robredo ang tumakbong Presidente at Bise Presidente naman si Pangilinan.

Noong Mayo 2025 midterm elections, kapuwa nagwagi ang dalawa sa magkaibang posisyon kung saan muling nagbalik Senado si Pangilinan at nahalal namang alkalde ng Naga City si Robredo kung saan kinlala siya bilang kauna-unang babaeng mayor ng nasabing lungsod.