January 26, 2026

Home BALITA National

Mar Roxas, umalmang 'wag na siyang idamay sa politika; masaya na sa pribadong buhay!

Mar Roxas, umalmang 'wag na siyang idamay sa politika; masaya na sa pribadong buhay!
Photo courtesy: FILE PHOTO, Mar Roxas (X)

Mariing umalma si dating Department of Interior and Local Government (DILG) secretary at senador Mar Roxas kaugnay sa umano’y “fake news” na nagdadawit sa kaniya sa isang agenda sa politika tungkol sa mga Duterte. 

Kaugnay ito sa naging post ng Facebook page na “Samar Western Vlogger” kung saan mababasa sa larawan ng kanilang post ang sinabi diumano ng dating senador na huwag na raw hayaan ng taumbayan na makabalik ang mga Duterte sa Palasyo dahil lalo raw maghihirap ang Pilipinas. 

“Wag na nating Payagan pa ang Mga Duterte na makabalik sa Malacanang, Lalo lamang ma Sasadlak Pilipinas sa kagulu-Han, Nakit naman natin kung Paano mamuno ang isang Duterte, Lalong naghirap ang Pilipinas,” anila. 

Photo courtesy: Samar Western Vlogger

Screenshot mula sa FB post ng Samar Western Vlogger. 

National

Ogie Diaz, pinalagan sinabi ni Greco Belgica na hayaan mga 'tunay na lalaki' sa gobyerno

Dahil dito, nagawang maglabas ng pahayag ni Roxas sa kaniyang “X” account nitong Biyernes, Enero 23, kaugnay sa nasabing post patungkol sa kaniya. 

Ani Roxas, tigilan na raw ng nasabing Facebook page ang pagpapakalat ng maling balita at huwag na siyang gamitin sa kanilang agenda. 

“To whoever created and is spreading this FAKE post … pwede ba …. Hindi ko alam kung ano ang motibo ninyo pero huwag niyo na ako gamitin sa mga agenda ninyo,” diin ni Roxas. 

Photo courtesy: Mar Roxas (X)

Screenshot mula sa “X” ni Roxas. 

Dagdag pa niya, “Masaya ako sa pribado kong buhay.” 

Samantala, hindi pa naman naglalabas ng tugon, reaksyon, o pahayag ang nasabing Facebook page na nagpapakalat umano ng maling balita tungkol kay Roxas at hindi pa rin nila binubura ang kanilang post. 

Mc Vincent Mirabuna/Balita