January 26, 2026

Home SHOWBIZ

'Don't have children!' Lea Salonga, pinaalalahanan mga 'di matatanggap LGBTQIA+ kanilang anak

'Don't have children!' Lea Salonga, pinaalalahanan mga 'di matatanggap LGBTQIA+ kanilang anak
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Nagbigay ng paalala ang award-winning theater actress na si Lea Salonga para sa mga indibidwal na tila hindi matatanggap kung dumating sa puntong aminin ng kanilang anak sa kanila na lesbian, gay, transgender, at iba pa ang mga ito. 

Ayon naging pahayag ni Lea sa isinagawang media call ng Les Miserables: World Tour Spectacular sa Parañaque City noong Miyerkules, Enero 21, sinabi niyang tanging tungkulin ng mga magulang na mahalin ang mga anak nila nang walang anomang kondisyon. 

“The one duty that every parent has is to love their child unconditionally,” pagsisimula niya. 

Nagawa pang paalalahanan ni Lea na huwag na raw piliing magkaanak ng ilang mga indibidwal kung sa tingin nila, hindi nila matatanggap na lesbian, gay, transgender at iba pa ang kanilang magiging anak.

Elijah Canlas, ilang beses ‘inechos’ ng filmmakers

“To those who do not have kids, if you think, you will not be able to love your child if they come out to you and say, ‘Mom, I am gay,’ ‘Mom, I’m lesbian,’ ‘Mom, I’m bisexual,’ ‘Mom, I’m trans,’” diin niya. 

“If under those conditions your love will stop, don’t have children,” pahabol pa niya. 

Ani Lea, kung hindi raw kaya, huwag na lang. 

“It’s like don’t. Save yourself the drama, save yourself the heartbreak. Kasi kung hindi mo kaya, ‘wag na lang,” saad niya. 

Pagpapatuloy pa ni Lea, lagi’t lagi raw may tiyansang makuha ng isang tao ang mga bagay na hindi nila gusto dahil tila isang “blind box” daw ang mga bata. 

“Every kid is a blind box. You don’t know what you’re gonna get, you don’t know if it’s gonna be the one you want. Because chances are, it’s gonna be the one you don’t want but that’s what you get,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, nakatakdang magtanghal sina Lea sa The Theater sa Solaire sa darating na Marso 1, 2026, ng Les Miserables: World Tour Spectacular kung saan gaganap siya bilang si Madame Thénardier. 

Mc Vincent Mirabuna/Balita