Muli na namang naungkat ang pagiging "Higop King" ni Kapamilya star at heartthrob Joshua Garcia matapos ang naging sagot ni Kapamilya star at vlogger na si Ivana Alawi nang ikuwento niya kung paano siya "hinigop" ng bago niyang katambal sa pagbibidahan nilang teleserye sa ABS-CBN.
Naurirat kasi si Ivana ng TV5 showbiz news reporter na si MJ Marfori kung kumusta naman bilang leading man si Joshua, sa re-launch ng endorsement ng aktres.
Matatandaang bago pa sila magtambal, nasabi na ni Ivana na long-time crush niya si Joshua, batay sa isa sa mga vlog na ginawa niya.
At unexpectedly, ngayong 2026 nga, magsasama sa teleseryeng "Love Is Never Gone" na produced by Dreamscape Entertainment, na kinuhanan pa sa bansang Morocco.
“Naku ‘yong last scene namin, grabe pala siya," sey ni Ivana.
Tinanong naman ni MJ kung totoo bang "Higop King" ang Kapamilya actor.
"Oo higop king, ‘yon gano'n," saad ni Ivana sabay minuwestra kung paano ang paghigop o paglaplap sa kaniya ni Joshua.
"Grabe!" nasabi na lang ni Ivana.
Nang tanungin kung may ideya ba si Ivana kung paano humalik si Joshua, sinabi nitong “Hindi ko alam. Kaya nga sinabi ko, grabe ka naman!”
Wala raw ideya si Ivana dahil first time nga naman nilang magsasama ni Joshua sa serye.
Kaugnay na Balita: Higop King nga! Ivana, hinigop malala ni Joshua
“Higop King” ang ibinansag kay Joshua dahil sa grabehang kissing scene niya sa mga naging leading lady sa mga nagawang teleserye. Bukod kay Ivana Alawi na latest, sino-sino nga ba ang mga nauna?
1. Janella Salvador
Bandang Pebrero 2023, tila nabuhay ang dugo ng mga netizen sa trending na "laplapan" scene nina Joshua at Kapamilya star Janella Salvador sa isang eksena sa "Mars Ravelo's Darna: The TV Series."
Sa eksena, makikitang hinalikan ng karakter ni Joshua na isang pulis ang karakter na si Regina Vanguardia/Valentina na ginagampanan ni Janella.
Ngunit ang naturang karakter ay isa lamang "ekstra" na nanggaya sa karakter ni Joshua sa serye.
Nawindang naman ang mga netizen sa naturang eksena at binansagan naman si Janella bilang "Janella 'Pinagpala' Salvador" lalo na ang mga "nakapila" sa Kapamilya actor, o ang kaniyang mga masugid na tagahanga. May ilan pang muling inilayag ang "JoshNella" o dating tambalan nina Joshua at Janella sa teleseryeng "The Killer Bride."
Kaugnay na Balita: Joshua, 'hinigop' si Janella; mga nasa 'pila', windang
2. Jane De Leon
Siyempre, hindi rin nakaligtas sa Higop King ang mismong Darna sa serye na si Jane De Leon, na siya talagang katambal ng huli sa nabanggit na action-fantasy series.
Hindi pa man daw nakaka-move on ang mga netizen sa naging halikan nina Joshua at Janella, dumating naman daw ang eksena nina Joshua at Jane.
Sa eksena, nailigtas na ni Narda/Darna si Brian (karakter ni Joshua) mula sa pagtatago ng kaniyang impostor, na siya namang "humalik" kay Regina Vanguardia/Valentina na ginagampanan ni Janella. Buong akala ni Janella ay naka-iskor na siya at jowa na niya si Brian, pero "lotlot" pala siya talaga.
Anyway, nagulat na lamang si Narda nang bigla na lamang siyang halikan ni Brian, subalit maya-maya, mapapansing tila nagpatangay na rin siya.
Agad na pinag-usapan ng avid Darna viewers ang naturang nakakikilig na eksena.
Kaugnay na Balita: May Valentina na, may Darna pa? 'Brian', sinaway ng mga netizen, 'Mag-diyeta ka naman!'
3. Jodi Sta. Maria
Abril 2023 naman, naganap ang makasaysayan at kauna-unahang kolaborasyon sa teleserye ng ABS-CBN at GMA Network, ang "Unbreak My Heart."
Nawindang ang Kapamilya at Kapuso fans nang masaksihan ang official teaser ng serye, na pinagbibidahan nina Joshua, Gabbi Garcia, Richard Yap, at Jodi Sta. Maria.
Mapapanood kasi sa teaser ang isang eksena kung saan may kissing scene ang karakter nina Joshua at Jodi na tila ba "May-December affair" ang peg.
Sa eksena, makikitang naghalikan sa eksena sina Joshua at Jodi, na hindi inasahan ng mga netizen.
Kaugnay na Balita: 'Matapos kina Janella, Jane!' Joshua, hinigop si Jodi
Kaugnay na Balita: Jodi Sta. Maria sa ‘higupan’ nila ni Joshua Garcia: ‘It was great’
4. Gabbi Garcia
Kung pinag-usapan ang nakakalokang kissing scene ng dalawang Kapamilya stars na sina Joshua at Jodi, nawindang din ang netizens sa maiinit na eksena nina Joshua at kaapelyido niyang si Kapuso actress Gabbi Garcia, na kasama rin nila sa serye.
Bukod sa halikan nila, isa pa sa mga na-sightsung ng mga mapanuring marites ay ang tila "pabakat" ni Joshua sa isa sa mga eksena nila ni Gabbi.
Kaugnay na Balita: 'May pabakat din!' Gabbi, di nakaligtas sa kamandag ng higop ni Joshua
Kaugnay na Balita: 'Magtira ka naman kay Khalil!' Joshua halos mukbangin si Gabbi
5. Anne Curtis
Hindi rin inasahan ng mga netizen na magsasama at magtatambal sa serye sina Joshua at Anne Curtis sa Philippine adaptation ng "It's Okay To Not Be Okay" na isang Korean drama.
Sa media conference ng serye, inamin ni Joshua na noong una, hiyang-hiya siya kay Anne lalo na pagdating sa ganoong eksena nila.
Pero nang komportable na sila sa isa't isa, naibahagi ni Joshua ang isang nakakahiyang pangyayari habang nagsho-shoot sila ng kissing scene.
Naamoy raw kasi ni Anne ang "tulingan" na kinain niya nang mapadighay siya.
"Nagre-rehearse kami no’n, dumighay ako di ba, direk [Mae Cruz-Alviar]. Bigla na lang kasi hindi ko mapigilan, hinipan ko naamoy pa rin," natatawang kuwento ni Joshua.
"‘Bakit amoy tulingan?’" tanong daw ng aktres na misis ni Erwan Heussaff.
Kaugnay na Balita: Joshua, Anne, Carlo gaganap sa PH adaptation ng 'It’s Okay To Not Be Okay'
PAGHIGOP SA TUNAY NA BUHAY
Noong Mayo 2023, nakapanayam si Joshua sa "Fast Talk with Boy Abunda" at isa nga sa mga natanong ni Boy, ay ang mga nag-trending na kissing scenes niya.
Natanong ng award-winning TV host kung ano ang naramdaman niya nang makahalikan Jodi na si Asia's Best Actress matapos manalo sa Asian Academy Award para sa "Broken Marriage Vow," gayundin ang Kapusong si Gabbi.
Aniya, dumaan naman sila sa "sensuality workshop" kaya praktisado na niya kung paano "humigop" on-cam.
Natanong ng King of Talk kung pareho lang ba ang ginagawa niyang paghalik on-screen at sa kaniyang personal na buhay.
Sagot ni Joshua, hindi raw, dahil sa personal na buhay ay gumagamit siya ng "tongue."
Siyempre, kinilig naman ang "pila" kay Joshua dahil kung intense na nga ang paghigop niya sa serye, paano pa kaya sa tunay na buhay?
Kaya sigaw ng mga netizen na matagal nang haling na haling kay Joshua: "Sana all nahihigop ng may dila!"
Kaya naman, sa ngayon, si Ivana ang huling leading lady na nagpatotoo sa pagiging "Higop King" ni Joshua.
Kaugnay na Balita: 'Werpa ng dila!' Joshua Garcia umamin kung paano 'humigop' sa personal na buhay