January 20, 2026

Home BALITA National

Sen. Robin Padilla, diniin halaga ng Nat'l Minimum Wage Act

Sen. Robin Padilla, diniin halaga ng Nat'l Minimum Wage Act
Photo courtesy: Robin Padilla (FB)

Ipinaliwanag sa publiko ni Sen. Robin Padilla ang kahalagahan ng pagpapasa umano ng kaniyang isinumiteng Senate Bill No. 12 o “National Minimum Wage Act.” 

Ayon kay Padilla, sa naging Facebook post niya nitong Lunes, Enero 19, sinabi niyang mahalaga raw maipasa ang nasabing Senate Bill upang maitama ang umano’y matagal nang hindi pantay na sistema sa pagpapasahod sa mga empleyado sa bansa. 

“Mahalagang maipasa ang S.B. No. 12 dahil layunin nitong itama ang matagal nang hindi pantay na sistema ng pasahod sa bansa,” pagsisimula niya. 

Photo courtesy: Robin Padilla (FB)

Photo courtesy: Robin Padilla (FB)

National

Revilla, sumuko na: 'Nakakalungkot po parang wala yatang due process'

Ibinahagi ng senador sa publiko ang magkakaiba raw na sahod ng mga empleyado sa bawat rehiyon sa bansa, sa kabila ito ang umano’y pare-parehas lamang na gastusin ng mamamayang Pilipino. 

“Sa kasalukuyan, magkakaiba ang sahod kada rehiyon kahit halos pare-pareho ang gastusin ng mga pamilya, o kung minsan, mas mataas pa nga,” aniya. 

Pagpapatuloy niya, masisiguro ng isinusulong niyang Senate Bill ang pagkakaroon ng sapat na sahod para sa bawat mga manggagawa sa bansa. 

“Sa pamamagitan ng isang national minimum wage, masisigurong may sapat na sahod ang bawat manggagawa upang matustusan ang pangunahing pangangailangan ng kanilang pamilya,” saad niya.

Giit ni Padilla, hindi lang daw tungkol sa usapin ng politika ang isinusulong niyang bill kundi para umano mapahalagahan ang mga manggagawang Pilipino. 

“Hindi lamang ito usapin ng kita, kundi ng dignidad at pagpapahalaga sa ating mga manggagawa,” diin niya. 

“Ang panukalang batas na ito ay hakbang tungo sa mas makataong pasahod at mas pantay na oportunidad para sa lahat ng Pilipinong manggagawa, saan mang panig ng bansa sila naroroon.,” pagtatapos pa niya. 

MAKI-BALITA: Sen. Robin Padilla, hiling ipagdasal ng publiko kaligtasan ni Kris Aquino

MAKI-BALITA: 'Di patulog-tulog sa pansitan!' Sen. Robin rumesbak para kay Sen. Bato

Mc Vincent Mirabuna/Balita