Tawang-tawa ang Kapamilya star at vlogger na si Ivana Alawi nang ikuwento niya kung paano siya "hinigop" ng kapwa Kapamilya star na si Joshua Garcia, bago niyang katambal sa pagbibidahan nilang teleserye sa ABS-CBN.
Naurirat kasi si Ivana ng TV5 showbiz news reporter na si MJ Marfori kung kumusta naman bilang leading man si Joshua, sa re-launch ng endorsement ng aktres.
Matatandaang bago pa sila magtambal, nasabi na ni Ivana na long-time crush niya si Joshua, batay sa isa sa mga vlog na ginawa niya.
At unexpectedly, ngayong 2026 nga, magsasama sa teleseryeng "Love Is Never Gone" na produced by Dreamscape Entertainment, na kinuhanan pa sa bansang Morocco.
“Naku ‘yong last scene namin, grabe pala siya," sey ni Ivana.
Tinanong naman ni MJ kung totoo bang "Higop King" ang Kapamilya actor.
"Oo higop king, ‘yon gano'n," saad ni Ivana sabay minuwestra kung paano ang paghigop o paglaplap sa kaniya ni Joshua.
"Grabe!" nasabi na lang ni Ivana.
Nang tanungin kung may ideya ba si Ivana kung paano humalik si Joshua, sinabi nitong “Hindi ko alam. Kaya nga sinabi ko, grabe ka naman!”
Wala raw ideya si Ivana dahil first time nga naman nilang magsasama ni Joshua sa serye.
“Higop King” ang ibinansag kay Joshua dahil sa grabehang kissing scene nila ni Janella Salvador sa “Mars Ravelo's Darna," na nasundan pa sa mga naging leading lady niya gaya nina Jane De Leon sa Darna pa rin, at sina Jodi Sta. Maria at Gabbi Garcia sa "Unbreak My Heart" na unang collaboration ng ABS-CBN at GMA Network sa pag-produce ng teleserye.
Kaugnay na Balita: Joshua, 'hinigop' si Janella; mga nasa 'pila', windang
Kaugnay na Balita: 'Matapos kina Janella, Jane!' Joshua, hinigop si Jodi
Kaugnay na Balita: 'Magtira ka naman kay Khalil!' Joshua halos mukbangin si Gabbi
Kaya naman, tiyak na isa sa mga aabangan sa serye ang "higupan scene" ng dalawa.