January 24, 2026

Home BALITA Probinsya

Dalawang magkaibang 'rambol' sumiklab sa Ati-Atihan festival

Dalawang magkaibang 'rambol' sumiklab sa Ati-Atihan festival
Photo courtesy: Contributed photo

Magkaibang suntukan ang sumiklab ilang oras bago magtapos ang selebrasyon ng taunang Ati-Atihan Festival sa Aklan noong Linggo, Enero 18, 2026. 

Ayon sa mga ulat, nanunang naganap ang suntukan sa pagitan ng ilang kabataan sa Pastrana Park habang patapos na ang aktibidad sa Ati-Atihan Festival.

Mabilis namang nakaresponde ang nagkalat na miyembro ng pulisya at napigilang lumalala ang insidente. Agad ding dinala sa police station ang mga sangkot sa gulo.

Samantala, kumpirmado namang nakainom ng alak ang isang babae at isang lalaki na kapuwa nag suntukan din umano sa kahabaan naman ng 19 Martys Street. 

Probinsya

Taxi driver na tinangkang molestiyahin pasahero niya sa Davao City, tinutugis na!

Ayon naman sa mga pulis na rumesponde sa dalawang magkahiwalay na gulo, walang naiulat na malubhang napuruhan sa naturang insidente.

Tinatayang nasa 3,000 ang ipinakalat na bilang ng pulis sa Aklan sa kasagsagan ng pagdiriwang ng naturang “mother of all festival,” kung saan nas amahigit 5,000 ang nakisaya at namanata sa kapistahan ng Sto. Niño.