January 26, 2026

Home BALITA Probinsya

Bangkay ng babaeng binigti umano ng mister, natagpuang nakasilid sa ilalim ng kama!

Bangkay ng babaeng binigti umano ng mister, natagpuang nakasilid sa ilalim ng kama!
Photo courtesy: Contributed photo

Patay na nang madiskubre ang bangkay ng isang 35-anyos na babae na nakalagay sa isang garbage bag at itinago sa ilalim ng kama sa Bataan. 

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, hinihinalang binigti ang biktima ng kaniyang asawang isang security guard gamit ang kawad ng kuryente.

Tinatayang tatlong araw nang patay ang biktima bago ito natagpuan ng kaniyang mga kamag-anak.

Ikinuwento ng mga kapatid ng biktima na matagal nang hiwalay ang mag-asawa dahil umano sa pambababae ng suspek. Dagdag pa nila, pilit umanong nais ng lalaki na makipagbalikan sa biktima ngunit mariin itong tumanggi.

Probinsya

Public school teacher, arestado sa drug buy-bust operation!

“Naghiwalay po talaga sila dahil yung lalaki, nambabae po. Ang gusto niyang mangyari, magkabalikan silang mag-asawa. Eh ayaw na po ng kapatid ko. Ibang klase ang ginawa niya sa kapatid namin. Brutal yung ginawa niya,” anang kapatid ng biktima sa panayam ng media.

Matapos matuklasan ang bangkay, agad na rumesponde ang mga awtoridad at isinailalim sa imbestigasyon ang lugar. 

Dinala rin ang labi ng biktima para sa awtopsiya upang makumpirma ang sanhi ng pagkamatay.

Patuloy naman ang pagtugis ng pulisya sa pangunahing suspek na tumakas matapos ang insidente, habang inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa kaniya.