January 26, 2026

Home BALITA Probinsya

Bahagi ng sementeryo sa Catanduanes, gumuho sa pag-ulan; ilang puntod, tinangay ng baha!

Bahagi ng sementeryo sa Catanduanes, gumuho sa pag-ulan; ilang puntod, tinangay ng baha!
Photo courtesy: Lgu Caramoran InfoCenter/FB

Muling niragasa ng baha ang Inalmasinan Cemetery sa Caramoan, Catanduanes matapos ang patuloy na pag-ulan sa lugar, na nagdulot ng pagkasira ng ilang puntod sa sementeryo. 

Ayon sa mga ulat, maraming nitso ang nabuksan matapos gumuho ang lupa na tinangay ng rumaragasang tubig. 

Dahil dito, magsasagawa ng pagbisita at inspeksyon ang mga awtoridad, kabilang ang health sanitary inspection, upang masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga residenteng nakatira sa paligid ng nasabing sementeryo.

Kasabay nito, patuloy na mino-monitor ang epekto ng Bagyong Ada na nagdudulot ng malakas na pag-ulan at mas mataas na antas ng tubig sa ilang lugar sa bansa.

Probinsya

Cainta Mayor Kit Nieto, nag-medical break matapos isugod sa ospital

Ayon sa pinakahuling tropical cyclone bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), unti-unti nang papalayo sa baybayin ng Catanduanes ang Bagyong Ada pero nananatili itong may lakas na hangin at malalakas na pag-ulan. 

Ang sentro ng bagyo ay huling natala sa layong humigit-kumulang 135 kilometro east-northeast ng Virac, Catanduanes nitong Linggo, Enero 18, 2026, na may maximum sustained winds na 75 kilometro kada oras at pagbugso hanggang 90 kilometro kada oras. 

Patuloy na may Signal No. 2 sa Catanduanes at eastern portion ng Camarines Sur, na nangangahulugang inaasahan ang gale-force winds at mas mataas na peligro sa buhay at ari-arian sa mga apektadong lugar. Samantala, maraming bahagi ng Luzon, Eastern Visayas, at Masbate ay nasa ilalim ng Signal No. 1, na may inaasahang malalakas na hangin at ulan. 

Bagama’t bahagyang humina ang bagyo, patuloy pa ring nagbabadya ng malakas na pag-ulan, masalimuot na dagat, at mapanganib na kondisyon sa mga karagatan.