January 21, 2026

Home SHOWBIZ

Vhong, Darren in-expose paghuhubo ni Vice Ganda!

Vhong, Darren in-expose paghuhubo ni Vice Ganda!
Photo Courtesy: Screenshots from Vice Ganda (TikTok)

Napagdiskitahan si Unkabogable Star Vice Ganda ng mga kapuwa niya “It’s Showtime” hosts na sina Vhong Navarro at Darren Espanto.

Sa latest TikTok post ni Vhong kamakailan, mapapanood ang video ng kanilang sayaw ni Darren. Ngunit sa kalagitnaa nito, biglang dumating si Vice at naghubo ng pang-ibaba.

“Practice palang sana to namin ni Darren pero ipost ko na din baka mag trending! ” saad ni Vhong sa caption.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Juliana Parizcova Segovia, tutol sa pagsali ng transwoman sa female pageants

"Di niyo naman sinabihan!!! HAHAHAHAHAHAH"

"d ba talaga aware vice nito? or scripted talaga to?"

"Di nya talaga alam na may camera? "

"123 nakita si meme nakapante "

"Napadila akoo"

"humanda kayo bukas kay meme"

"Meme Bat Ang bad niyo Naman Kay meme"

Samantala, hindi naman pinalampas ni Vice ang ginawang ito nina Vhong at Darren sa kaniya. Sa latest episode ng “It’s Showtime” nitong Sabado, Enero 17, sinita ni Vice ang dalawa.

Aniya, "'Wag n'yo akong tinatawanan akala n'yo natutuwa ako sa inyo, ha. Nakita ko 'yong TikTok n'yong pinost.”

“Sobrang trending. Panalo tayo do’n, ha,” sabi naman ni Vhong.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa 764.7K likes at 6.1M views ang nasabing video.