January 21, 2026

Home SHOWBIZ

Tuesday Vargas, bumwelta matapos sabihang 'boba'

Tuesday Vargas, bumwelta matapos sabihang 'boba'
Photo Courtesy: Tuesday Vargas (FB)

Tila hindi na nakapagtimpi pa ang komedyante at TV host na si Tuesday Vargas matapos siyang tawaging “boba.”

Sa isang Facebook post ni Tuesday noong Biyernes, Enero 16, sinagot niya tirada laban sa kaniya ng isang social media page. Tila hindi kasi ito sang-ayon sa pahayag ni Tuesday kaugnay sa mga Gen Z.

"Once a comedian, always a comedian! #bobbba" saad sa caption ng Millenial Pilipino.

Buwelta naman ni Tuesday, "Maka tawag kayo ng boba eh wagas. Panoorin nyo nang buo ang guesting.”

Catriona ibinuking katangian nina Anne, Jericho bilang co-stars

“Ang sinabi ko ay unawain nyo ang nga kabataan na galing sa ibang henerasyon,” pagpapatuloy niya. “Mga anak natin yan at tayo din ang may sala bakit di sila emotionally mature or they feel things deeply.”

Dagdag pa niya, “Pagmumukain n’yo na naman akong kalaban eh ang ganda ng gusto kong mangyari, ang magkaunawaan ang lahat ng mga gen z at iba pang nakatatanda.”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 12K reactions at 535 shares ang nasabing post.

Matatandaang madalas na pinagtatalunan sa social media kung aling henerasyon ba talaga ang higit na mainam. Kaya naman hindi maiwasan paghambingin ang henerasyong pinanggalingan ng isa’t isa. 

Ang penomenong ito ay tinatawag na generational gap na tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng paniniwala, pagpapahalaga, attitude, at behavior batay sa edad ng bawat tao na humahantong sa hindi pagkakaunawaan.