Pinabulaanan ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso ang mga usap-usapang pagtakbo niya sa mas mataas na posisyon sa darating na 2028 National Elections.
“Pabayaan n’yo na ko dito sa Manila. Steady na lang ako sa gedli,” matawa-tawang saad ni Domagoso nang makapanayam siya ng media nitong Lunes, Pebrero 23, sa Malacañang, matapos ang paglulunsad ng expanded Local Government Support Fund (LGSF).
Nang tanungin hinggil sa mga haka-hakang pagiging matunog ng pangalan niya kasabay ang deklarasyon ni Vice President Sara Duterte na pagtakbo sa pagka-pangulo sa 2028, binanggit ni Domagoso na nais lamang niyang manatili sa lokal na pamahalaan.
Matatandaang inanunsyo ni Duterte ang pagtakbo bilang Pangulo ng bansa noong Pebrero 18, kung saan ipinangako niyang ilalaan niya ang kaniyang buhay, lakas, at hinaharap upang magserbisyo sa bansa imbes na humingi ng kapatawaran dahil sa pagtulong umano niya noon na mailuklok sa puwesto si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
MAKI-BALITA: VP Sara, inanunsyong tatakbong Pangulo sa 2028!
KAUGNAY NA BALITA: Patawad! VP Sara, humingi ng paumanhin sa pagtulong mahalal si PBBM
KAUGNAY NA BALITA: Sen. Robin, bet ang tambalang Sara-Imee sa 2028
KAUGNAY NA BALITA: Sen. Imee 'forever running mate' ni VP Sara: 'Basta sunud-sunuran ako do'n!'
KAUGNAY NA BALITA: 'Siya ang may solusyon!' Sen. Imee, suportado si VP Sara sa pagtakbong Pangulo
Sean Antonio/BALITA